Makakatapos ba ng pag-aaral? (2) | Bandera

Makakatapos ba ng pag-aaral? (2)

Joseph Greenfield - October 11, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Carol Barangay Granada, Bacolod City
Problema:
1. Sa ngayon ay second year na ako sa kursong Accountancy. Ang problema bumaba ang mga grades ko, kaya nalungkot ako at parang tinamad na akong mag-aral kasi hindi ko ini-expect na bababa ang mga exam ko. Iniisip kong mag-shift na lang ng ibang kurso o maghinto na lang ng pag-aaral at magtatrabaho na lang ako. Tama ba ang desisyon kong ito?
2. Kung magsi-shift ako anong kurso ang bagay sa akin na siguradong matatapos ko? Kung maghahanap naman ako ng trabaho mapapasok kaya ako agad kahit undergraduate ako. Nais ko rin malaman kung makapag-aabroad ba ako, kasi ito ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin. Gusto nilang mag-abroad ako para maiahon ko sila sa kahirapan? Ano ba ang mangyayari sa buhay ko sa future makakatapos kaya ako ng pag-aaral? May 6, 1995 ang birthday ko.
Umaasa,
Carol ng Bacolod City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing bagay na bagay naman sa iyo ang kasalukuyan mong kursong Accountancy, kaya hindi ka dapat mag-shift o mag-iba ng kurso, sa halip mag-focus ka lang at mag-concentrate sa iyong study.
Numerology:
Ang birth date mong 6 ay nagsasabing sa sandaling nagka-boyfriend ka na ng isang lalaking isinilang sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre, tiyak ang magaganap, lalo kang gaganahang mag-aral at sa tulong ng nasabing lalaki na tulad mo ring estudyante, mas madali ka ng makakatapos ng pag-aaral.
Luscher Color Test:
Upang magkaroon ng inspirasyon at wag ng tamarin sa pag-aaral, tulad ng nasabi na sa Palmistry at Cartomancy, kailangan mong magkaroon ng boyfriend at bukod sa boyfriend na makakatulong upang matapos mo ang iyong pag-aaral, ugaliin mo ring magsuot ng kulay na asul, violet at pula. Sa ganyang paraan, ang iyong kapalaran lalo na sa career ay tuluy-tuloy ng gaganda.
Huling payo at paalala:
Carol ayon sa iyong kapalaran, wala kang dapat gawing pagbabago sa kasalukuyan, kundi ang makipag-boyfriend sa isang lalaking ka-classmate mo rin. Sa ganyang paraan, tiyak na ang magaganap, lilipas ang mga dalawa o tatlong taon pa, sa 2018, sa edad mong 23 pataas, tuluyan ka ng makakatapos ng Accountancy hanggang sa magiging isang ganap na CPA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending