ANG pinsan ko po ay nagtrabaho sa Damam, KSA sa mahabang panahon. Isa siyang OFW at OWWA member.
Kamakailan lang siya ay namatay dahil sa heart attack. Meron po ba siyang makukuha sa ECC dahil sinasabing work related ang kanyang ikinamatay?
Alvin Curdero
REPLY: Para sa iyong katanungan G. Curdero, ang pag avail ng benepisyo sa ilalim ng Employees Compensation (EC) Program ay nakadepende sa compulsory member sa Social Security System(SSS) with employee, employer relationship at kung pasok ang ganoong konsepto ay maaaring makapag avail ng EC program, otherwise ang benepisyo lamang na maaari nitong makuha ay benipisyo na ibinibigay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ang mga OFWs na miyembro ng SSS ay pawang Voluntary member na walang employee, employer relationship.
Sa kasalukuyan kahit miyembro ng SSS ang isang OFW o ang tinatawag na mga land based workers ay hindi pa saklaw ng batas para mapabilang sa benipisyo ng ECC.
Ngunit kung may magpapanukala sa Senado at Kamara at maging batas ito, kahit voluntary member ng SSS ay mapabilang na sa mga benepisyo na maaaring makuha sa ECC sa ilalim ng EC program.
Kung naging compulsory member ang mga Kasambahay sa ilalim ng Kasambahay law ay maaari din naman itong ipagkaloob sa mga OFWs.
Atty. Jonathan
VillaSotto
Deputy Director
Employees
Compensation
Commission (ECC)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.