UST Tigers, FEU Tamaraws nanatili sa itaas | Bandera

UST Tigers, FEU Tamaraws nanatili sa itaas

Mike Lee - October 08, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro sa Sabado
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
2 p.m. UP vs Adamson
4 p.m. NU vs UE
Team Standings: UST (6-1); FEU (6-1); La Salle (4-3); Ateneo (4-3); NU (3-4); UE (2-5); UP (2-5); Adamson (1-6)

BINAWIAN ng Far Eastern University ang nagdedepensang kampeon National University sa 61-59 panalo habang nagwagi rin ang University of Santo Tomas sa kanilang laro para magsalo ang dalawa sa liderato sa pagtatapos ng first round elimination sa 78th UAAP men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Naipasok ni Tolomia ang dalawang sunod na triples matapos ang 52-all iskor bago si Francis Tamsi ay humugot ng krusyal na steal sa endgame para makuha ng ikaanim na panalo sa pitong laro.

Tumapos si Tolomia bitbit ang 19 puntos at 15 puntos ay ginawa sa second half at 11 at tatlong triples ay ibinagsak sa huling 10 minuto ng laro.

“It’s a good feeling to defeat the champs. We’re in the top two right now and it’s a positive development because the second round will be tough,” wika ni FEU coach Nash Racela.

Bumaba ang Bulldogs sa 3-4 karta at ininda nila ang panlalamig sa ikatlong yugto nang naisablay nila ang unang 11 attempts upang ang 34-29 kalamangan sa halftime ay naging 45-40 iskor patungo sa huling yugto.

Huling hirit ng Bulldogs ay nang idikit nila sa dalawang puntos ang iskor, 61-59, sa huling 28.3 segundo ng laro.

Sablay si Tolomia sa opensa ng FEU pero naagaw ni Tamsi ang masamang pasa ni Alfred Aroga para makuha ang 1-0 karta sa tagisan ng dalawang koponang naglaban sa finals noong nakaraang taon.

Si Aroga ay mayroong 17 puntos at 11 rebounds pero tatlong puntos at limang boards lamang ang kanyang naiambag sa second half.

Bago ito ay nagwagi muna ang UST sa University of the East, 83-76, para mapantayan ang 6-1 baraha ng FEU.

Si Ed Daquioag ay may career-high 34 puntos para pamunuan ang Growling Tigers na ipinakikita ang kahandaan na makatikim uli ng titulo sa liga.

“Consistent si Ed mula summer pa kaya hindi ako nagugulat sa ipinakikita niya,” wika ni UST coach Segundo dela Cruz na ang koponan ay lumamang ng hanggang 16 puntos, 39-23, sa first half.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ang ikalimang sunod na pagkatalo ng Red Warriors matapos ang 2-0 panimula at nasayang ang 25 puntos ni Paul Varilla sa pangyayari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending