NCAA Final Four slot puntirya ang San Beda | Bandera

NCAA Final Four slot puntirya ang San Beda

Mike Lee - October 01, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2 p.m. Lyceum vs St. Benilde
4 p.m. San Beda vs Arellano
Team Standings: San Beda (12-4); Letran (12-4); Perpetual Help (11-6); Jose Rizal (11-6); Arellano (10-6); Mapua (10-6); xSan Sebastian (6-11); xSt. Benilde (4-12); xLyceum (4-13); xEmilio Aguinaldo
(2-14)
x – eliminated

SISIPATIN ng San Beda ang mahalagang twice-to-beat advantage sakaling makabawi sa Arellano sa 91st NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang mga koponang naglaban sa titulo noong nakaraang taon ay pareho  pa ring palaban sa puwesto sa semifinals pero ang Red Lions ay isang hakbang na lamang para opisyal na makuha ang upuan.

Sa 12-4 baraha ay kailangan na lamang ng five-time defending champion na manalo sa Chiefs para matiyak na rin sa unang dalawang puwesto na magkakaroon ng mahalagang bentahe sa Final Four.

Huling laro ng San Beda ay ang Letran at mas mahirap na kalaban ito kumpara sa Arellano kaya’t asahan na gagawin ng Red Lions ang lahat para manalo sa Chiefs sa larong itinakda dakong alas-4 ng hapon.

“We have two chances but we will go for it in our next game,” wika ni Lions coach Jamike Jarin.

May 10-6 baraha ang Chiefs at kasalo ang Mapua sa ikalima at ikaanim na puwesto at mas mahalaga sa kanila ang manalo para lumakas ang paghahabol ng upuan sa semis.

Sasandalan ng tropa ni Arellano coach Jerry Codiñera ang 88-84 panalo sa San Beda para makabangon agad mula sa 87-81 pagkatalo sa Letran sa huling laro.

Bago ito ay magtutuos muna ang Lyceum at St. Benilde sa ganap na alas-2 ng hapon na no-bearing game na dahil parehong pahinga na ang dalawang koponan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending