Ex-Abra gov Valera guilty sa murder ng ex-solon na si Bersamin
HINATULAN ng Quezon City Regional Trial Court Branch 94 ng habambuhay na pagkabilanggo si dating Abra governor Vicente Isidro Valera at dalawang iba pa, kaugnay ng pagpatay kay dating Abra Congressman Luis Bersamin Jr.
Bukod kay Valera, napatunayang guilty rin sa dalawang counts ng murder at one frustrated murder sina Rufino Panday at Leo Bello.
Nahahrap ang tatlo sa hanggang 40 taong pagkakabilanggo matapos naman ang pagpatay kay Bersamin at kanyang police escort na si Senior Police Officer 1 Adolfo Ortega.
Bukod dito, nasintensiyahan din ang tatlo ng karagdagang 12 taong pagkakabilang matapos namang masugatan ang driver ni Bersamin na si Allan Sawadan.
Binaril si Bersamin sa labas ng Mount Carmel Church sa New Manila, Quezon City noong Disyembre 16, 2006. Siya ay kapatid ni Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.