HANGGANG ngayon ay naniniwala at umaasa pa si Vice President Jejomar Binay na siya ang susuportahan ni dating Pangulo at ngayon ay Manila mayor Joseph Estrada sa 2016 presidential elections.
Ginawa ni Binay ang pahayag nitong Lunes nang manumpa ang napatalsik na si Laguna Governor at pamangkin ni Erap na si ER Ejercito, sa harap ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Calamba City, Laguna.
Naniniwala rin si Binay na muling makakabalik sa pagkagobernador ang pamangkin ni Erap, na sadyang minahal naman umano ng mga taga Laguna at naglagay sa lalawigan bilang nangungunang probinsiya sa buong bansa.
Ejercito ay napatalsik noong isang taon matapos idisqualify ng Commission on Elections dahil sa overspending.
Ayon kay Binay hinintay niya pa rin ang suportang ibibigay sa kanya ng dating pangulo.
“We did not have any differences. We are together, I owe him because he included me as his vice president in 2010,” ayon kay BInay.
Gayunman, nilinaw ng bise presidente na hindi pa sila nag-uusap tungkol dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.