Leni Robredo ang bet ng LP sa VP - Drilon | Bandera

Leni Robredo ang bet ng LP sa VP – Drilon

|September 30,2015
facebook
share this

Leni Robredo ang bet ng LP sa VP – Drilon

- September 30, 2015 - 10:15 AM

KINUMPIRMA na ni Senate President Franklin Drilon na si  Camarines Sur Representative Leni Robredo ang magiging running mate ni pambato ng administration party na si Mar Roxas.

Ginawa ni Drilon ang kumpirmasyon sa programa ng ABS-CBN na “Umagang Kay Ganda” Miyerkules.

Tinanong si Drilon kung si Robredo na nga ba ang makakatambal ni Roxas sa 2016 elections, na walang paligoy-ligoy na sinagot naman nito na:   “Malamang. Sabihin na lang natin na si Congresswoman Leni na ang kandidato natin sa pagkabise-presidente.”

Ginawa ni Drilon ang pahayag bago ang gagawing National Executive Council meeting Miyerkules ng hapon para buuin ang listahan ng Liberal Party mula sa pangulo hanggang sa senador.

Samantala si Robredo naman ay humingi pa ng dagdag na panahon para pagdesisyunan ang alok ni Roxas na maging kapareha sa darating na halalan. Kailangan pa aniya niyang timbangin ang opinyon ng kanyang mga anak.

“Si Secretary Mar Roxas ang aming inonominate bilang aming kandidato sa pagka-pangulo, at sa ngayon ay ‘yung mga senador, ay lagpas po sa 12. Medyo patuloy ang paguusap, may 15 sa aming listahan,” pahayag pa ni Drilon na vice chairman ng LP.

“Sabi ko nga, labis sa 12, kaya amin pang pinaguusapan,”dagdag pa nito.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending