Vice ipinagmalaki na ‘real at organic’ ang 6.5M tweets ng Showtime
MAKAPIGIL-HININGA ang ginawang performance ng mga hosts ng It’s Showtime sa kanilang kick-off ANIMversary celebration na ginanap sa Araneta Coliseum last Saturday. Mabuti na lang at wala namang nangyaring aksidente sa kanila kundi nagkaroon lang ng mga pasa sa katawan gaya ni Anne Curtis.
Ipinakita ni Anne ang mga kulay-voilet pa na mga pasa sa kanyang dalawang braso. Isinakay kasi si Anne sa isang giant wheel na pinagulung-gulong sa stage kaya super kapit si Anne. Habang ang singer at host din ng It’s Showtime na si Teddy ay napilayan sa dating injury niya sa tuhod sa rehearsal pa lang.
Buwis-buhay na naglambitin si Coleen Garcia sa ere. Konting maling galaw lang, lalagapak tiyak ang buo niyang katawan sa stage. Pero pinaghandaan talaga ni Coleen ang kanyang prod number kaya wala namang nangyaring aksidente.
True to what we reported days before the big event na tunay na pasabog ang ginawa ni Vice Ganda sa stage, huh! Unlike Coleen, may kasama pang fireworks ang paglambitin ni Vice sa itaas ng Araneta!
All-out naman ang binigay na support ng management ng Kapamilya network mula sa production, marketing, hanggang sa PR department ng istasyon. Present din ang mga top executives ng nework sa pangunguna ni Cory Vidanes.
Nakakabingi ang hiyawan noong lumabas sa stage ang aktor na si Coco Martin na nag-tweet earlier kay Pastillas Girl tungkol sa pagkikita nila sa Araneta that day. Biniro naman ni Vice si Pastillas Girl na tapos na ang paghahanap kay Mr. Pastillas dahil agad-agad bumigay si Angelica Yap (Pastillas Girl) kay Coco.
Hirit naman ni Coco kay Pastillas Girl, ibang magmahal ang “probinsyano.”Of course, knows ng viewers na pinu-promote ni Coco ang bago niyang teleserye na Ang Probinsyano sa ABS-CBN na nagsimula na noong Lunes sa Primetime Bida.
Dumagundong naman ang Big Dome sa lakas ng sigawan ng mga fans ng tatlong pinakasikat na loveteams ng ABS-CBN: ang Kathniel, LizQuen at Jadine – lalo na nu’ng nagsama-sama silang lahat sa last production number.
After the show, iniintriga naman ang pag-tweet ni Vice bilang pasasalamat sa mga madlang pipol na sumuporta sa It’s Showtime’s anniversary presentation sa Big Dome. Pinag-usapan ang nilagay ni Vice sa kanyang tweet na “real” and “organic” patungkol sa nakuha nilang mahigit 6 million tweets. Aniya, “Thank you din sa lahat ng nakisali sa Twitter Party at nagpa-trend sa #ShowtimeKapamilyaDay with 6.33M REAL and ORGANIC TWEETS. Patunay lamang na TOTOOng pinag-usapan sa social media ang @itsshowtimeofficial_ig at mga Kapamilya Stars na naging bahagi ng ANIMversary Kick-off ng programa.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.