Makakaahon pa ba sa kahirapan?
Sulat mula kay Delia Sinabuagan, Valencia City, Bukidnon
Dear Sir Greenfield,
Ako ay isang ginang ng tahanan na may apat na anak habang ang mister ko naman ay sa konstraksyon lang nagta-trabaho, kaya lagi kaming kapos sa pang araw-araw na pangangailangan. U-pang wag kapusin at u-pang kami ay makaraos kung saan-saan ako na-ngungutang kaya sa nga-yon baon kami sa utang. Sa ganitong sitwasyon ng buhay namin, masipag naman ako maglabada at nagtitinda din ako ng kung ano-anong produkto sa palengke kapag walang nagpapalaba, may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan at makabayad sa mga pagkakautang? November 17, 1985 ang birthday ko at June 23, 1981 naman ang mister ko.
Umaasa,
Delia ng Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Upang makaahon sa mga pagkakautang sa malayong lugar kayo manirahan, o sa madaling salita umalis kayo sa kasalukuyan ninyong bayan, kung saan, ang magandang Fate Line at Business Line sa iyong palad (1-1 arrow 1. at 2-2 arrow 2.) ang nagsasabing kapag nakapagtrabaho at nakapag negosyo kayong mag-asawa sa malayong lugar, magsisimula nang umunlad at umasenso ang inyong buhay.
Cartomancy:
Eight of Diamonds, Five of Hearts at Four of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung ngayon palang lalayo na kayo sa kasalukuyan ninyong bayan, paglipas ng mga apat, lima o walang taon pa, magbabagong mabilis ang inyong buhay, sa malayong lugar unti-unti na kayong aasenso at yayaman.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.