‘Winawasak ng ilang bastos at mayabang na fans sina Alden at Yaya Dub!’
I DON’T care kung i-bash ako ng AlDub fans dahil para sa kanila, damn if you do, damn if you don’t. Gusto kasi nila ay palagi mo na lang silang pupurihin. Yung may konti ka lang masabing medyo lihis sa mga bulag nilang paniniwala ay sobrang sama mo na.
Pag pinuri mo sila, wala kang maririnig na pasasalamat pero pag me konti ka lang opinyon, tinatrato ka ng kriminal and this time, I will speak my heart. I don’t care anymore. No one argues with the tremendous popularity na tinatamo ngayon ng hottest loveteam na AlDub pero there are a few things na dapat nating tilad-tilarin.
AlDub must first and foremost thank the brilliant brains behind that segment. Savwriters, hosts at mga kasamahan nina Alden Richards and Maine Mendoza sa kalyeseryeng ito dahil napakagaling nilang magluto ng mga sitwasyon.
Napakaganda pa ng timing nang pagpasok ng dalawa. Pero kudos muna kay Lola Nidora (Wally Bayola) dahil siya ang pinakasusi ng lahat kung bakit sobrang nagsi-sizzle ang segment na ito. Plus the support siyempre nina Paolo Ballesteros, Allan K, Joey de Leon, Jose Manalo, Vic and Tito Sotto, it made the segment interesting panoorin.
Talagang panalo sila in terms of popularity and tweets from the netizens – kung paano nila nakamit ang milyon-milyong tweets na iyan ay hindi ko batid because I am a computer illiterate. Kung hanggang kailan ang kasikatan ng segment na ito sa Eat Bulaga, we don’t really know.
God knows when and hope na hindi pangunahan ng fans ang Diyos. Kasi nga, sobrang yabang na ng marami sa kanila. Wala na sa lugar. Nagiging super-OA na ang karamihan sa kanila. Natayming lang naman na nakuha ng segment na ito ang pulso ng masang Pinoy pero ano ba talaga ang ginagawa nila? Wala naman, di ba?
Yung pakaway-kaway and pa-cute ng dalawa? Yung paglabas-labas ng dimples ni Pareng Alden at ang pangiwi-ngiwi ni Maine? Those simple acts na nataon lang na type ng kanilang audience. Kumbaga, tulad ng disclaimer nila – SA TAMANG PANAHON, for whatever reason there may be.
Talent? We don’t know yet if Maine Mendoza has real talent but she has been a showbiz wannabe since way back and good for her – she did a grand entrance sa TV. Gagawin ni Maine ang lahat ng makakaya niya maka-penetrate lang sa showbiz and she succeeded. Congrats then.
Pero why rant still on the other show? Hindi pa ba kayo masaya that you already got the numbers? Kailangan pa bang insultuhin ang It’s Showtime? Hoy, pana-panahon lang iyan, as we say that everything in this business is “weder-weder” lang.
Dapat we should be magnanimous in victory”. Ilang buwan pa lang ang segment na iyan ng Eat Bulaga. And it’s not the whole show. Subukan mo ngang bigyan ng one hour show ang dalawang iyan na walang gagawin kungdi ang kumaway, ngumiwi-ngiwi at maglabas ng dimples the whole time – kung hindi agad maumay ang mga tao at batuhin sila ng kamatis.
Si Alden kahit paano ay meron nang napatunayan – nakalabas na iyan sa ilang serye pero itong si Maine wala pa. She may have acting talents pero hindi pa na-tap. Yet to be seen pa lang kaya hindi pa puwedeng ipagyabang ang batang iyan.
Makuntento na muna tayo sa entertainment value na binibigay niya sa pangiwi-ngiwi niya. Hanggang ganoon pa lang naman iyan kaya huwag masyadong magmataas agad. Sa totoo lang, napakarami na naming nakausap na sawang-sawa na sa style ng dalawa – nauumay na raw sila. Itong AlDub fans na ito minsan, wala na sa lugar.
Mga wala na sa tamang huwisyo kasi. Ang yayabang. Dapat ay maging mabait sila – maging magalang at huwag mga bastos para lalo silang mahalin ng tao. Kasi nga, nagiging weird na ang karamihan sa kanila.
As if naman, makakadagdag sa income nila ang pagpapakamatay sa AlDub. You can be a fan pero yung normal lang. Huwag yung OA sa ka-cheapan. No one’s stopping them to become AlDub fans anyway.
May pumipigil ba sa kanila? Tsaka, bakit ganoon sila – pag merong gawing eksena ang It’s Showtime, palagi na lang nilang binabara? Sasabihing gumagaya lang – sasabihing walang kuwenta ang show. Mga loko, di ba?
Wala pang napapatunayan si Maine Mendoza kaya hindi pa sila puwedeng magmalaki. This is a fad for now – it should be translated to sales you know. OK, nandoon na tayo – meron na raw 3 tv commercials ang mga bida nila, pero hindi pa iyon enough para masabing made na sila.
Personal income pa lang for the two of them iyon – hindi pa iyon barometro para masabing IN na IN na sila. IN for some reasons pero hindi pa lubos iyon. Pagsamahin muna sa iba’t ibang TV projects and movies para maging certified box-office stars.
Kung makapam-bash kasi ang AlDub fans sa ibang loveteams ay wagas – mga bastos pa ang ibang mga comments ng marami sa kanila. Ito namang ibang mga pulitiko ay ang gagaling sumakay para lang mapag-u-sapan – para maki-ride lang sa popularity ng AlDub.
To get the bulk of the votes, may mga pa-AlDub-AlDub wave pa. Paalala lang sa mga baliw na AlDub fanatics, matuto kayong bumoto ng mga tamang pulitiko ha – huwag isaalang ang future ng bansang ito sa mga pulitikong nakiki-AlDub wave lang pero wala namang mga kuwenta, OK?
Sana ay mas maging mabait at mapagkumbaba ang ibang mga OA na AlDub fanatics na ito. Huwag silang masyadong mapagmataas – huwag silang mga bastos. Kaya kaming mga Eat Bulaga babies since birth ay nawawala na rin ng ganang panoorin sila dahil sinisira nila ang mga araw namin sa pamba-bash nila.
Ang mayayabang na tao ay walang lugar sa mundong ito, paalala lang. May 20 million tweets nga kayo pero karamihan naman walang kuwentang tao ang may gawa, wala rin. Di baleng tatlo lang fans namin basta ba matino, oks na iyon. Kakabaliw kayo!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.