Life story ni Elha Nympha tampok sa MMK
TUNGHAYAN ang pinagmulan at pinagdaanan ng banana cue vendor na itinanghal na The Voice Kids season 2 grand champion na si Elha Nympha ngayong gabi sa MMK.
Bata pa lang ay mahilig na talagang kumanta si Elha (Brenna Garcia).Nu’ng matuklasan ito ng inang si Lucy (Nikki Valdez), lagi na nitong pinapahawak ng mikropono sa karaoke machine ang bata at pinayagan ding mag-vocal training sa kanyang tita na si Digna (Tina Paner).
Makailang beses na siyang sumabak sa auditions para sa talent searches sa TV pero hindi siya nakakalampas sa unang round. Pangarap nila ng kanyang ama na si Obet (Matt Evans) na maging isa siyang professional singer at makita sa telebisyon.
Ngunit ang mga pangarap na ito ay biglang gumuho sa biglaang pagkamatay ng haligi ng kanilang tahanan. Bilang pa-nganay, pinili ni Elha na tulungan ang ina na kumayod at magbenta ng banana cue.
Ang kalsada na ang kanyang naging bagong entablado dahil bigay todo kung handugan niya ng awitin ang kanyang masugid na customers. Makukuha niyang muli ang kumpyansa sa sarili na nag-udyok sa kanya sumali sa The Voice Kids – desisyong babago sa kanyang buhay niya at ng kanyang pamilya.
Tampok rin sa MMK episode na ito sina Bryan Termulo, Paco Evangelista, Bianca Bentulan, Tom Doromol, Menggie Cobarubbias at Hyubs Azarcon, sa direksyon ni Frasco Mortiz, at sa panulat ni Mark Duane Angos.
Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos. Huwag palampasin ang isa na namang espesyal na episode na ito sa longest-running drama anthology sa Asya, MMK hosted by Charo Santos-Concio tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.