Binay inupakan ng Netizens: Huwag daw gamitin sa Politika sina Alden at Maine
UMAPIR na kahapon sa pagpapatuloy ng kalyeserye ng Eat Bulaga si Maine Mendoza alyas Yaya Dub matapos itong umabsent noong Lunes dahil masama nga ang pakiramdam niya.
Bago ito, ipinost muna ni Yaya Dub sa kanyang social media account ang mga prutas at flowers na ipinadala sa kanya ni Alden noong Sabado na personal niyang ni-request sa binata.
Sa kanyang Twitter account, unang ipinost ni Maine ang kanyang mensahe tungkol sa ginawang check-up sa kanya matapos ngang magkasakit noong weekend. Aniya, “I’ve had enough of needles and tests for today nakakastress thank you very much can I go home now!”
Pagkatapos nito, ibinandera naman niya ang mga regalo sa kanya ni Alden – bulaklak, cake, fruits at ang bilin niyang turon at nagpasalamat kay Alden.
Kahapon nagpakita na nga si Yaya Dub sa kalyeserye at sinabi nga ni Lola Nidora na naubos nito ang pinadalang pagkain ng Pambansang Bae. Nag-request muli si Yaya ng pritong lumpia, game na game naman si Alden na lumibot sa labas ng Broadway ngunit wala siyang nakitang lumpia.
Nag-sorry ang binata at sinabing sa weeksary na lang siya magpapadala. Muli ring umeksena ang misteryosong boses ng isang babae na pinaniniwalang si Maine.
Isang malumanay na “Aldub you” ang narinig ng mga dabarkads bago magwakas ang episode kahapon.
Pero bago pa yun ay may natanggap na e-mail si Lola Nidora na ikina-shock niya.
Sinubukan namang turuan nina Tidora at Tinidora (Paolo Ballesteros at Jose Manalo), na magsalita pero wala pa rin. Ano kaya ang misteryosong e-mail na natanggap ni Lola Nidora? May koneksyon kaya ito sa misteryosong boses? Yan ang abangan sa pagpapa-tuloy ng kalyeserye sa Eat Bulaga.
Samantala, uminit ang ulo ng maraming netizens nang sabihin ni Vice-President Jejomar Binay na si Alden ang type niyang gumanap bilang siya sakaling isapelikula ang kanyang life story.
“Alden as Binay in a biopic? Ito ang walang tamang panahon,” ayon sa Twitter user na si Arnold Padilla matapos mabasa ang interview kay Binay.
Ayon naman kay Kathryn Rose Gustilo (@bebekath00) gusto lang makisakay ni Binay sa kasikatan ng AlDub dahil tatakbo nga itong pangulo sa 2016, “Hay naku, Binay. Nakikisawsaw ka lang sa kasikatan ni Alden ngayon.
Pwede ba, humanap ka na lang ng iba na gaganap, tse!” “’Wag niyo pong gamitin si Alden para sa publicity n’yo, VP Binay,” sigaw naman ni Cristina Serrano (@crstnasrno24).
Binakbakan din ng mga AlDub fans si Binay na hindi anya maaaring ikumpara ni Binay kay Alden dahil sa kanyang kulay, “Maputi daw kasi si Binay dati, kaya si Alden ang kukunin niya.
Walang masamang mangarap,” pahayag ni Mark Joshua Pineda (@Geekrology). “Alden to play as Binay in a biopic is ridiculous! It isn’t about the skin color, more than that, Alden’s good image will be tarnished,” sabi ni @ClosetAldubFan.
Nanawagan din ang mga followers ni Alden na huwag na huwag tatanggapin ang alok ni Binay sakaling ialok sa kanya ang role.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.