Alden gagawin lahat para mapaligaya si Yaya Dub | Bandera

Alden gagawin lahat para mapaligaya si Yaya Dub

Ervin Santiago - September 23, 2015 - 02:00 AM

yaya dub

WALA pa ring kupas! Umaga pa lang kahapon ay top tren-ding topic na agad ang hashtag #ALDUBNextChapter para sa nakaraang episode ng kalyeserye ng Eat Bulaga sa GMA 7.

Sa pagbubukas pa lang ng Eat Bulaga kahapon ay “kilig much” na agad ang milyun-milyong fans nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub.

Tinanong kasi ni Sam YG si Alden bago umere ang kalyeserye kung ano ang masasabi nito sa unang pagsasalita ni Yaya Dub kung saan isinigaw nga nito ang katagang “lola”.

Ang naging tugon ni Alden, “Oo nga, sana pangalan ko naman ang banggitin niya!” na ikinakilig talaga ng kanilang mga fans all over the world.

Patunay diyan ang pag-re-tweet ng ipinost sa official Twitter account ng Bandera tungkol dito. Ilang minuto lang kasi pagkatapos naming i-tweet ang statement ni Alden ay pumalo agad ito sa more than 500 retweets.

Kahapon sa pagpapatuloy ng kalyeserye, hindi nagpakita si Yaya Dub. Ayon kay Lola Nidora (Wally Bayola), okay na raw si Yaya pero kailangan pa itong magpagaling dahil nga sa aksidenteng nangyari noong Sabado.

Pero tumawag naman ito kay Lola at humiling kung pwede siyang bigyan ng iba’t ibang klase ng prutas. Agad namang pumunta si Alden sa grocery para bumili ng mga fruits na ni-request ni Maine.

Nagpahabol pa nga si Yaya Dub ng turon at cake na agad ding binili ng binata with matching flowers pa.
Matapos ito, tinanong ni Alden kay Lola kung pwedeng siya na ang magdala ng mga nabili niyang prutas, turon at cake kay Yaya Dub, pero tumanggi ito.

Ipakukuha na lang daw niya sa kanyang mga Rogelio ang pasalubong niya kay Yaya. Ayon naman kay Lola Nidora bilib siya sa ipinapakitang katatagan at katapatangan ni Alden para ipaglaban ang pag-iibigan nila ni Yaya.

Sa huling hirit ng episode kahapon, bigla uling nag-ring ang cellphone ni Lola Nidora at narining niyang nagsalita ang nasa kabilang linya ng, “Lola, lola! Alden, Alden…” na ikina-shock na naman ng milyun-milyong dabarkads! Si Yaya nga ba ang nagsalita?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito na kaya ang susunod na pasabog ng kalyeserye sa darating na Sabado? Pwede ring ibang tao ang nagmamay-ari ng nasabing mystery voice. Hindi kaya ito na ang sinasabing magiging third party sa AlDub loveteam na siyang manggugulo sa kalyeserye?

Pero kung si Yaya nga ang nagsalita, siguradong tuwang-tuwa si Alden dahil natupad agad ang wish niya kahapon ng umaga, ang banggitin ni Maine ang kanyang pangalan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending