Nanay ni Heart, Chiz Escudero best friends na ngayon | Bandera

Nanay ni Heart, Chiz Escudero best friends na ngayon

Djan Magbanua - September 21, 2015 - 02:00 AM

heart evangelista

WEIRD pa rin para kay Heart Evangelista ang pakikipaghalikan kay Rocco Nacino, ang boyfriend ng best friend niyang si Lovi Poe na kasama rin nila sa GMA Telebabad series na Beautiful Stangers.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng nasabing soap ng Kapuso network, inilarawan ni Heart na mas kakapal pa at mas magiging challenging pa ang role niya bilang si Kristine sa bagong twist ng kuwento.

Napaka-refreshing raw ng karakter niya dahil sa mga nakaraan niyang serye ay ang lagi siyang inaapi kaya natutuwa siya na marunong nang lumaban ngayon si Kristine.

“Pakapal nang pakapal ang karakter ko, pa-complicated pa nang pa-complicated ang story pero may kurot pa rin siya sa puso. Kahit galit ka sa dalawang karakter pag nag-aaway sila maaawa ka rin kasi naging biktima rin sila ng tadhana,” ani Heart.

At inamin nga niya na hindi pa rin naaalis ang awkward fee-ling tuwing may eksena sila ni Rocco, “Kahit yung mga kaibigan ko na non-showbiz sinasabi, ‘ang weird-weird ninyong tingnan pag kayo naghahalikan.’ Kasi nga ang alam sila ni Lovi.

Pero si Lovi kasi very open minded yan so nawawala yung hiya,” sey ng asawa ni Sen. Chiz Escudero.
Sa pagdedeklara naman ni Chiz na tumakbong bise-presidente sa 2016 ay nabanggit ni Heart before na nayakap na niya ang mundo ng pulitika ng asawa pero hindi raw ito naging madali.

“Mahirap talaga. Maraming nagsasabi na ganito ganyan. But it really comes with a lot of responsibilities. Ok naman lang sa akin kasi if it’s really your purpose why not.

I give myself naman the chance to adjust to it so as much as possible ayoko naman makialam, very supportive naman din siya sa trabaho ko so ano kami may sarili (kaming mundo) which is good so pag uwi namin sa bahay iba-iba ang kwentuhan,” esplika ni Mrs. Escudero.

Naitanong din kay Heart kung may magbabago ba sa kanya kung sakaling palarin nga ang kanyang mister sa dara-ting na eleksyon, “There are changes I think naman.

But I will still continue to do what I do. I don’t think that it should really change you. Maybe I’ll be more busy pero MWF lang naman ang soap meron pa ta-yong Tueesday, Thursday, Saturday, Sunday para gawin ang ibang bagay.

“So, it’s probably just balancing things but right know I don’t really think so much of that kasi it’s too big for me to digest or to understand,” sey pa ni Heart. Sa ngayon raw ay panahon ni Chiz at susuportahan niya muna ito.

Dagdag pa sa happiness ni Heart ngayon ang maganda ng relasyon ng kanyang asawa sa kanyang mga magulang. Back to normal na nga raw sila ng kanyang mommy at friends na sila ni Chiz.

“Best friends na nga sila eh. Inuutos-utusan na nga ng mommy ko si Chiz. ‘Pwedeng pakuha nga yung box sa taas,’ may ganun na. Kaya nga sabi niya (Chiz) alam ko na ok na ko sa mommy mo kasi nauutos-utusan na nya ko. Ang saya-saya talaga. Ang sarap panoorin nilang dalawa,” ani Heart.

Ang sabi pa ni Heart, may bonus pa raw na ibinigay sa kanya ang Diyos dahil nakatagpo siya ng lalaking kaparehas ng ugali ng kanyang ama.

“Pag nakikita mo silang nagkukuwentuhan ang sarap lang talaga kasi di ko talaga akalain na mangyayari to. Tinanggap ko na siya, eh pero ngayon sobrang saya. Wala na kong mahihiling pa,” dagdag pa nya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pagiging mommy naman ay waiting game pa rin ang peg ni Heart dahil marami pa raw silang dapat i-priority ni Chiz at gusto talagang paghandaan nang husto ni Heart ang pagiging nanay.

Pero kung sakali, maximum na raw ang dalawang anak, “I’ll give myself chance to really live the reality of being a mom pero I decided na in a year or something pa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending