Wala nang utang sa SSS | Bandera

Wala nang utang sa SSS

Liza Soriano - September 19, 2015 - 03:00 AM

Dear Ma’am Liza,

Magandang araw po, ako po ay masugid nin-yong tagasubaybay at sa dami po ng inyong natulungan ay nagbabakasakali na ako po ay matulungan ninyo sa aking problema sa aking SSS loan.

Ako po ay nakapag SSS loan ng ako po ay nagtratrabaho sa Central Textile Mills, noon taong 1994 ng halagang P8,000 at dahil nagsarado na po ang aking pinagtratrabuhan ay nakapabayad lang ako ng kabuuang loan amortization na P1,120.00 ng taong 1999. Nang mabalitaan ko na may programa ang SSS na Penalty Loan Condonation ng taong 2005. I-nutusan ko ang aking misis na i-avail ang nasabing SSS Penalty Loan condonation. Nagpa-asses po ang misis ko at binayaran ang halagang P7,940.44 ayon sa assessment ng SSS na may petsang Sept. 28, 2005 base sa SBR # 109194. Noong May 10, 2013 ng magpunta ang misis ko sa SSS Caloocan para sana mag apply ng educational loan ng anak ko ay sinabihan po sya na may loan pa po ako na umabot na ng mahigit P35K, nagtaka po ang misis ko at ipinakita ang mga resibo na daladala nya , napansin po ng tauhan ng SSS na hindi po niya napa-receive sa SSS ang resibo na pinagbayaran nya at pati application for penalty condonation of delinquent member loan. Kaya humingi po sa kanya ang mga kopya at sinabing ipapadala po nila sa SSS Pasig dahil doon daw po aayusin. Dahil po sa Laguna pa po nagtratrabaho ang asawa ko hindi na po niya naalalang kumustahin o i-follow up kung naayos na ang problema ko.

Noong nakaraan June 19, 2015 nagpunta po ako sa SSS Caloocan para sana mag apply ng Vo-luntary membership dahil wala po akong trabaho sa kasalukuyan at para narin kamustahin ang SSS loan ko kung naayos na, laking gulat ko po dahil umabot na po ito sa P45,623.58. Yan po ang malaking problema ko kaya po ako dumudulog sa inyo na sana po ay maikonsidera naman po sana ng SSS yung application for condonation na nabayaran ko po sa tamang panahon na nag appear naman po sa SSS.

Sana po ay matutulungan nyo po ako dahil sa kasalukuyan ay wala po akong trabaho at natatakot ako na maapektuhan ang magiging SSS contribution at pension ko. Kalakip po ng sulat na ito ang mga dokumento ng aking pinagbayaran at application for condonation.

Maraming maraming salamat po at pagpalain po kayo ng Maykapal.

Lubos na
gumagalang,
Julius S. Castillo
SSS# 03-7…

Ito ay tungkol sa in-yong e-mail kaugnay sa katanungan ni G. Julius Castillo ukol sa Salary Loan niya na kanyang binayaran sa ilalim ng SSS Condonation program noong 2005.

Nais naming ipagbigay-alam kay G. Castillo na natapos ng suriin ng aming Member Loans Department ang kanyang mga dokumento patungkol sa aplikayson niya sa condonation program noong 2005. Base sa mga dokumento, maaari nang i-post ang kanyang mga naibayad sa kanyang loan kaya wala ng utang si G. Castillo sa SSS.

Iminumungkahi namin kay G. Castillo na ipagpatuloy ang paghuhulog ng kontribusyon bilang isang voluntary member para patuloy siyang maging kwalipikado sa mga benepisyo at loans ng SSS. Makapaghuhulog siya ng kanyang kontribusyon gamit ang Contribution Payment Return o SS Form RS-5 at lagyan niya ng tsek ang kahon para sa voluntary member. Kapag maipaskil na ang nasabing hulog sa aming database, ang kanyang membership status ay magiging voluntary member mula sa pagiging covered employee.

Ang halaga ng kanyang magiging kontribusyon ay depende sa kanyang kakayahan na maghulog. Maaari niyang gamiting batayan ng kanyang magiging kontribusyon ang SSS contribuiton table na makikita sa SSS website sa www.sss.gov.pho sa anumang sangay ng SSS. Maaari siyang maghulog sa pinakamalapit na SSS branch, bayad center o sa anumang accredited na bangko ng SSS.

Nawa’y nabigyan namin ng linaw ang bagay na ito.

Salamat po.

Sumasainyo,

May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
SSS Media Affairs Department

Noted:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ma Luisa P Sebastian
Department Manager III
SSS Media Affairs Department

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending