Enrique Gil inokray ng bashers, tinaguriang lalaking 'Melissa Mendez' | Bandera

Enrique Gil inokray ng bashers, tinaguriang lalaking ‘Melissa Mendez’

Cristy Fermin - September 14, 2015 - 02:00 AM

liza soberano

Sa minsang paglalasing-pagwawala lang ay heto, namarkahan na ang pangalan ni Enrique Gil, napasama na siya ngayon sa listahan ng mga artistang walang disiplina sa sarili kapag nasasayaran na ng agua de pataranta ang lalamunan.

Siya ang tinatawag na “lalaking Melissa Mendez” ngayon dahil sa eroplano rin nangyari ang kanyang pagwawala, ang pambabastos niya sa kanyang mga kasamahan, ang malapit nang paghuli sa kanya ng airport police ng London dahil sa kanyang kalanguan.

At ganu’ng siya na nga ang nagkamali ay binibira pa ng mga tagahanga nila ni Liza Soberano si Jessy Mendiola, ang nabastos pa ang binabastos nga-yon ng mga tagasuporta ng aktor, kaya nagbanta na ang ina ng dalaga na idedemanda si Enrique kapag patuloy pa ring sinaktan ng kanyang mga tagahanga si Jessy.

Tama na kasi ang pamba-bash, umamin na nga si Enrique na nagkamali siya, may aral na siyang napulot sa karanasang ito. Huwag na uli siyang maglalasing dahil hindi naman pala niya kayang kontrolin ang kanyang sarili kapag nakainom na siya.

Ganu’n na lang para ma-tapos na ang kuwento. Para mapahinga na ang istoryang hindi na dapat pang ulitin ng aktor. Sayang na sayang ang tambalan nila ni Liza Soberano, maba-ngung-mabango pa naman sila, umasim lang nang dahil sa kuwentong paglaklak-pagwawala ni Enrique.

Kapag hindi kayang panindigan ang isang bagay ay huwag nang pagtangkaan. Ganu’n lang kasimple ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending