Ejay inuulan ng swerte; 2 show sa Dos humahataw | Bandera

Ejay inuulan ng swerte; 2 show sa Dos humahataw

Ervin Santiago - September 13, 2015 - 02:00 AM

ejay falcon

Inuulan ngayon ng swerte si Ejay Falcon, ha! Isa kasi siya sa mga pinaka-busy na Kapamilya actor ngayon.

Bukod sa book 2 ng seryeng Pasion de Amor, humahataw din sa ratings game ang Wansapanataym special nila ni Alex Gonzaga na I Heart Kuryente Kid na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa Kapamilya network.

As in talagang hindi siya nawawalan ng trabaho, kaya naman abot-langit ang pagpapasalamat niya sa mga bossing ng Dos dahil hindi nagsasawa ang mga ito na kunin siya sa magagandang proyekto.

Sa pagpapatuloy ng Wansapanataym I Heart Kuryente Kid tonight, sasabak na naman sa panibagong misyon ang mga karakter nina Alex at Ejay.

Matapos matuklasan ang kanyang kakaibang kakayahan, gagamitin na ni Tonio (Ejay) ang kanyang kapangyarihan upang tulungan ang kanyang bayan mula sa mga magnanakaw na kumakalat dito.

Samantala, sa gitna ng kaguluhan sa bayan ng Unang Liwanag, gagawin ni Penelope (Alex) ang lahat para hanapin ang misteryosong superhero na tumutulong sa mga tao dahil sa kagustuhan niyang makakuha ng promotion sa trabaho.

Matutuklasan na ba ni Penelope na ang superhero na hinahanap niya at ang kababatang si Tonio ay iisa? Ano naman kaya ang gagawin ni Tonio sa oras na malagay ang kanyang pamilya sa peligro?

Kasama rin dito sina Miguel Vergara, Bryan Santos, Fourth Solomon, William Lorenzo, Frances Makil-Ignacio at Tirso Cruz III, sa direksyon ni Andoy Ranay.

Napapanood tuwing Linggo ang Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid sa ABS-CBN. – EAS

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending