Lalaking med stude kinatay, ninakawan ng BF | Bandera

Lalaking med stude kinatay, ninakawan ng BF

- September 06, 2015 - 04:47 PM

sta.rosa
SINAKSAK hanggang sa mapatay ng isang lalaking estudyante ang kanyang boyfriend, isang medical student, sa apartment ng huli sa Sta. Rosa City, Laguna noong Sabado ng hapon.
Nakahubad at duguan ang biktima na si Paulo Miguel Catalla, 27, residente ng Labrador Subd., nang madiskubre ng kanyang kaibigan ala-1:30.
Si Catalla ay pamangkin ni Philippine Consul General to Hong Kong na si Bernardita Catalla.
Agad namang nadakip ang lover ni Catalla na si un Francis Bertulazo, 19, estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP)-Sta. Rosa, ani Supt. Reynaldo Maclang, Sta. Rosa police chief.
Sinabi ni Maclang na nakuhanan ng closed circuit television (CCTV) camera sa bisinidad ang suspek bago at matapos maganap ang krimen.
Nahaharap si Bertuilazo sa kasong robbery at homicide.
Base sa footage ng CCTV, pumasok ang magkasintahan sa apartment noong Huwebes ng gabi.
Nakita namang umalis ang suspek madaling araw noong Biyernes na may bitbit na itim na bag.
“The suspect already admitted that he was the guy in the CCTV. But he was mum on the killing,” sabi ni Maclang.
Idinagdag ng opisyal na nawawala ang relo, iPad, pera at iba pang pag-aari ng biktima.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending