Perpetual, Arellano kakapit sa top four | Bandera

Perpetual, Arellano kakapit sa top four

Mike Lee - September 01, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2 p.m. Arellano vs St. Benilde
4 p.m. Perpetual Help vs Lyceum
Team Standings: Letran (9-2); San Beda (9-2); Perpetual Help (7-3); Arellano (6-4); JRU (6-4); Mapua (5-5); Lyceum (3-7); San Sebastian (3-8); St. Benilde (2-8); EAC (2-9)

KAKAPITAN pa ng Arellano University at University of Perpetual Help ang ikatlo at apat na puwesto sa team standings sa pagharap sa magkahiwalay na laro sa 91st NCAA men’s basketball ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Sisikaping kumalas ng Chiefs sa pakikisalo sa Jose Rizal University kung manalo sa College of St. Benilde sa ganap na alas-2 ng hapon habang didikit uli ang Altas sa mga nangungunang koponan kung palarin sa inspiradong Lyceum dakong alas-4 ng hapon.

Magkasalo sa liderato ang five-time defending champion San Beda at Letran sa 9-2 karta habang may 7-3 baraha ang Perpetual Help.

Galing sa 70-65 pagkatalo ang Perpetual Help sa Mapua sa huling asignatura at nangyari ito dahil wala sa kondisyon ang kamador na si Earl Scottie Thompson.

Sablay ang 13 sa 18 attempts ni Thompson sa nasabing laro para kapusin ng opensa ang Altas. May 0-of-7 shooting din si Thompson sa 3-point line.

Kailangang maibalik ni Thompson ang tikas ng laro dahil ang Lyceum ay galing sa 71-67 panalo laban sa San Sebastian.

May 3-7 karta ang tropa ni Pirates coach Topex Robinson at kaya pa nilang makipag-gitgitan sa unang apat na puwesto kung magsisimula silang magtala ng winning streak.

Lumasap ng kontrobersyal na 114-112 double-overtime pagkatalo ang Chiefs sa kamay ng Heavy Bombers dahil sa hindi agad naitama ang naunang itinawag na triple sa buslo ni Bernabe Teodoro gayong nakatapak siya sa linya.

Binawi na ng Chiefs ang isinumiteng protest letter sa NCAA Mancom kaya’t tiyak na determinado ang tropa ni Arellano coach Jerry Codiñera na makabangon agad at iwanan pansamantala ang JRU na kasalo sa 6-4 baraha.

May 2-8 baraha ang Blazers at hindi pa batid kung makakapaglaro na si NCAA All-Star MVP Jonathan Grey na binangko ni coach Gabby Velasco sa natalong laro laban sa San Beda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending