Kulto nasa likod ng masaker? | Bandera

Kulto nasa likod ng masaker?

John Roson - August 31, 2015 - 04:49 PM

BUKIDNON
Sinisilip ngayon ng mga awtoridad ang posibleng kaugnayan ng pag-anib sa kulto at pagpatay ng isang lalaki sa kanyang misis at apat na anak sa Valencia City, Bukidnon.

Kabilang ang naturang anggulo sa mga tinitingnan habang di pa mabatid kung anong nagtulak sa suspek na si Ramon Saballa na patayin ang kanyang pamilya, sabi ni Inspector Jiselle Longakit, tagapagsalita ng Bukidnon provincial police.

“Undetermined pa ang motive sa incident. But accordingly the suspect is a cult member… ‘yun ang isang anggulo na tiningnan sa imbestigasyon,” sabi ni Longakit sa Bandera.

Pinagtataga hanggang sa mapatay ni Saballa ang misis na si Rosemarie, 30; at mga anak nilang si Rose, 13; Arnold, 10; Anabelle, 9; at Ryan, 3, gamit ang isang itak noong Sabado, ayon sa ulat ng provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng pamilya sa Sitio Kibalaog, Brgy. Lilingayon.

Tanging ang 1-taong gulang na anak na babae lang ng mag-asawa ang nakaligtas sa insidente at ngayo’y inaalagaan ng lolo.

Nadakip si Saballa sa Sitio Cambangon, doon din sa Brgy. Lilingayon, dakong alas-6 ng umaga noon ding Sabado, at nakuha sa kanya ang itak na ginamit sa krimen, ayon sa ulat.

Napag-alaman sa impormasyong nakalap ng pulisya na si Saballa ay kasapi ng grupong “Pulahan,” ani Longakit.

Pero ayon sa provincial police spokesperson, di pa siya nakaka-engkuwentro ng insidenteng kinasangkutan ng grupo sa Bukidnon.

Sa isang ulat sa diyaryo, sinasabing nasangkot ang “Pulahan” sa pakikipagbakbakan sa isang karibal na grupo sa Dinagat Islands noong Disyembre 2000.

Di bababa sa 11 ang napatay sa naturang insidente, kung saan pawang mga itak lang ang ginamit ng mga kasapi ng magkalabang grupo, ayon sa ulat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilala ang Pulahan sa paniniwala sa Kristiyanismong may kahalong katutubong relihiyon. Nagsusuot ng “anting-anting” ang mga kasapi nito at nagsasagwa ng mga ritwal na pinaghalong katutubo at Katoliko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending