Palasyo tikom ang bibig kung ano ang kasunduan sa INC
TIKOM ang bibig ng Palasyo kung ano ang napagkasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng mga lider ng Iglesia Ni Cristo matapos namang magpulong ang magkabilang panig na naging dahilan para itigil na ng INC ang isinasagawang kilos-protesta sa Metro Manila, Cebu at Davao City.
Imbes na ituloy ang nakatakdang briefing ni Presidential Spokesperson Edwin, nagpalabas lamang siya ng pahayag kaugnay naman ng pagtatapos ng rali ng INC.
“Through good will and the convergence of efforts, the rule of law has been upheld. We appreciate the INC leadership’s directives for the withdrawal of their members from their gathering sites. We are thankful that no serious injuries came about these past few days, and that the public can now prepare to go to work and to school tomorrow as the long weekend draws to a close,” sabi ni Lacierda sa kanyang pahayag.
Ito’y matapos namang ihayag ng INC kahapon ng umaga na ihihinto na ang mga kilos-protesta matapos makipagpulong sa Malacanang.
“We were resolved not to inflame passions, which could have given an opening to those with selfish agendas to further exacerbate conflict. Diplomacy therefore was an important tool in avoiding unintended consequences,” dagdag ni Lacierda.
Ipinagpaliban naman ni Pangulong Aquino ang nakatakda sanang pagbisita sa Davao City bukas matapos naman ang protesta ng INC sa lungsod.
Hindi naman sinagot ni Lacierda ang tanong mula sa mga miyembro ng media kung ano ang inalok ng Malacanang para makumbinsi ang INC na itigil na ang protesta nila.
Nagpilitang magpatawag si Aquino ng pagpupulong ng mga miyembro ng Gabinete noong Linggo ng gabi para maresolba ang pag-aalburuto ng INC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.