128 nalason dahil sa panis na bihon sa South Cotobato
NALASON ang 128 katao matapos makakain ng panis na bihon na inihanda ng isang religious group matapos magdiwang ng anibersaryo sa isang liblib na lugar sa South Cotobato noong Linggo.
Sinabi ni Lake Sebu Mayor Antonio Fungan na pawang mga residente ang mga biktima ng Barangay Takunel, na nagdiriwang ng anibersaryo ng lokal na sekta na tinaguriang “Salvaton Army.”
Idinagdag ni Fungan na sunod-sunod na nakaramdam ang mga biktima ng pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka.
“We suspect a spoiled pancit prepared for the celebration,” sabi ni Fungan.
Ayon kay Fungan, iniluto ang mga noodles ganap na ala-1 ng umaga noong Linggo at inihain ng tanghali.
Karamihan ng mga biktima ay mga bata.
Sinabi ni Fungan na napag-alaman niya sa mga nag-organisa na mga kabataan ang nagluto ng bihon, na pawang miyembro ng Salvation Army.
Nagbigay na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga biktima, lalu na sa mga naospital. Nakalabas na sa ospital ang ilan sa mga biktima.
Ipinadala na ang bihon sa provincial heal office para sa kaukulang pagsusuri.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.