Sumobra naman daw yata ang payat ni Billy Crawford ngayon.
Kung noon ay maraming nagsasabi na grabe na ang katabaan ni Billy, ngayon naman ay may mga nagsasabi na parang natuyot naman daw yata ang TV host-actor-singer sa sobrang kapayatan.
Ayon sa isang kakilala namin na nakakita kay Billy kamakailan, hindi raw maganda ang pagkapayat niya ngayon, humpak na humpak daw kasi ang mukha nito na parang hindi na kumakain.
“Hindi siguro tama ‘yung ginagawa niyang pagda-diet, kasi di ba, meron namang mataba noon pero maganda ang pagkapayat, ‘yung fresh pa rin, hindi ‘yung mukhang wala nang makain.
Kung patuloy pa rin siya sa ginagawa niyang routine ngayon, itigil na niya kasi hindi na maganda,” chika pa ng aming friendship.
Actually, napansin din namin ‘yan.
Nu’ng mapanood namin si Billy sa morning show ng ABS-CBN na Kris TV hosted by Kris Aquino, parang tuyot nga ang itsura ni Billy.
Parang mas gwapo pa nga siya nu’ng mataba siya.
Siguro ang isasagot dito ni Billy, hindi na niya alam kung saan siya lulugar.
Noong chabelita ang itsura niya, grabe kung laitin siya, ngayong sobrang payat na siya, lait pa rin ang inaabot niya! Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.