Dela Cruz napiling NCAA Player of the Week | Bandera

Dela Cruz napiling NCAA Player of the Week

Mike Lee |August 31,2015
facebook
share this

Dela Cruz napiling NCAA Player of the Week

Mike Lee - August 31, 2015 - 01:00 AM

BINUKSAN ng five-time defending champion San Beda College ang second round bitbit ang dalawang magagandang panalo.

Sa dalawang laro na ito ay lumutang uli ang husay ni Arthur dela Cruz na tila lalong naging inspirado matapos kunin ng Blackwater Elite bilang ninth pick sa 2015 PBA Rookie Draft.

Ang 6-foot-4 forward ay nagtala ng 23.5 puntos, 10 rebounds at 5.5 assists sa huling dalawang panalo para manatiling nasa tuktok ng team standings ang Red Lions sa 9-2 karta.

“Gusto ko bago ko iwanan ang aking paaralan ay mabigyan ko ito ng titulo,” wika ni dela Cruz sa kanyang layunin bago iwan ang Red Lions.

Maliban sa kampeonato, posibleng makuha rin ni Dela Cruz ang pinakamataas na individual award na Most Valuable Player sa all-around game na ipinakikita.

Sa 96-84 panalo laban sa Emilio Aguinaldo College, si Dela Cruz ay nagbagsak ng 30 puntos bukod sa 10 rebounds, 5 assists at 4 steals at laban sa College of St. Benilde na kanilang tinalo, 89-63, ay naghatid pa ang nasabing manlalaro ng 17 puntos, 10 boards at 7 assists.

Bunga ng impresibong ipinakita, si Dela Cruz ang ginawaran ng ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week award.

Tinalo niya sa lingguhang citation na ibinibigay ng mga mamamahayag na kumokober sa pinakamatandang collegiate league sa bansa sina Mark Cruz ng Letran Knights  at Cameroonian center Jean Victor Nguidjol ng Lyceum Pirates.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending