Alex: Wala, e...ginagawa ko lang ang trabaho ko! | Bandera

Alex: Wala, e…ginagawa ko lang ang trabaho ko!

Julie Bonifacio - August 31, 2015 - 02:00 AM

alex gonzaga

FEELING happy and blessed si Alex Gonzaga sa bago niyang show na I Heart Kuryente Kid para sa Wansapanataym ng ABS-CBN na nagsimula na kagabi.

Si Alex ang leading lady ng gaganap na superhero bilang Kuryente Kid na si Ejay Falcon. “Ako ‘yung reporter na naghahanap lagi sa kanya. Tapos kilala ko pala siya noon pa.

Tapos ako rin ‘yung magri-reveal sa kanya,” kwento ni Alex noong makausap namin sa presscon ng Wansapanataym.

Huling napanood sa isang fantasy drama series na Inday Bote. At regular naman siyang napapanood sa ASAP every Sunday.

“After ng Inday Bote, na-busy naman po ako kasi ‘yun ‘yung time na ikakasal ang ate ko nu’ng nabakante ako. So, nagawa ko ‘yung sa kasal ng ate ko.

Nu’ng nagkasal na siya nagkaroon na kami ng time, nag-start kami rito. Tapos nagwo-workshop-worklshop na, tapos nagbalik ako for my album,” pahayag niya.

This is her second time sa Wansapanataym ng Dreamscape Entertainment. First time raw niya nu’ng ginawa niya ang isang episode with Sam Milby.

“With Ejay kasi ano ‘to, six weeks, tapos story talaga na aabangan ng mga bata. Superhero kasi si Ejay dito, e. Ako lang ‘yung nagha-heart sa kanya. Pero hindi ako si Kuryente.”

Syempre, asked namin si Alex kung kumusta sila ni Ejay sa set ng Wansapanataym as themselves, “Okey naman siya. Mukhang masaya naman siya sa lovelife niya.

May date raw siya sa (Star Magic) Ball, si Ellen (Adarna),” pahayag niya na walang bahid selos kay Alex, huh! Pero si Alex waley pa raw ka-date sa annual event ng Star Magic.

“Hindi naman bawal (makipag-date). Pero hindi lang, hindi ko naman pipilitin kung wala at hindi ko rin naman pipilitin o magtitiis kung sino na lang ang dumating. Syempre ‘di ba dapat ano, aantayin mo talaga ‘yung para sa yo,” diin niya.

Sa ibang topic naman about Alex Gonzaga, kinuha namin ang reaksyon niya sa mga isyung binabato sa kanya pati na ang nangyayaring pagbabago sa Sunday show nila na ASAP, in print and/or social media.

Una, may mga nagsasabi na marami raw ang naiirita sa ginagawa niyang pagho-host sa ASAP, “Talaga? E, wala. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko.

‘Yun ang sabi nila na gawin ko, so, ginagawa ko lang.” May mga nagko-comment din na alisin na lang daw siya sa ASAP, “Ah, nasa ASAP naman yun kung gusto nila akong paalisin.”

Hindi naman daw niya masisisi ang mga bashers niya sa pagbibigay ng ‘di magandang comment sa mga pagbabago sa ASAP. “Dahil kung ano ‘yung kinalakihan nilang ASAP ‘yun ang hinahanap nila.

Pero syempre there’s always room for improvement and we as an artist and ah, ‘yun artista doon sa ASAP kung ano yung sinasabing ibigay namin, ibibigay namin.

Hindi naman kami magpapakabida,” esplika niya. Kung hindi na raw sila kailangan sa show, tiyak naman daw na aalisin sila ng executives ng ASAP, “So far, nandiyan pa naman ako sa ASAP.

So, kung ano lang ‘yung ibibigay nila sa akin, kung ilang gaps, kung may segment sila na ibibigay, syempre tatanggapin ko lang.”

Hindi naman daw niya nababasa lahat ng comment against her, “Pero parang, ano nang na-feel ko? Syempre noong una, ako kasi ‘yung parang sinisi. ‘Ganoon ba ako ka-powerful na palitan ko ang format ng ASAP. Ha-hahaha! Ako talaga ‘yung sisihin nila?”

Dagdag pa niya, “Pero kasi as a fan, isipin mo na lang nararamdaman nila, and kung papatulan mo naman sila parang, isipin mo na lang na as a fan ang nagsasalita.

Ako rin sa Hollywood kapag may nangyari nagre-react din ako. So, akala mo ang dami kong alam. Akala mo alam mo lahat ang nangyayari.”

Kinuha rin namin ang reaksyon niya sa panggagaya raw ng ASAP sa katapat nila na Sunday PinaSaya, “Nanggaya ba kami? Hindi ko kasi napapanood ‘yung sa kabila, e,” sabi niya.

Nagkaroon na rin kasi ng skit at game portions sa ASAP, “Kasi alam mo, feeling ko variety show ang ASAP and they’ve been there for 20 years so, kung anuman ‘yung trend, kung anuman ‘yung gayahin, the fact that ASAP is still here, it means that they’re doing something good.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“They’re doing something right. And siguro kung meron man silang ginagawa it’s just kung ano ‘yung hinahanap ng audience. Kasi hindi naman pwedeng ‘yun at ‘yun lang din ang ipapakita mo.

And I think alam naman ng mga taga-ASAP ‘yun dahil 20 years na sila. Alam nila kung ano ‘yung hinahanap ng tao,” paliwanag ni Alex.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending