KUNG sobra kaming naaliw sa musical film na “I Do Bidoo Bidoo”, grabe rin kaming naapektuhan sa adult-drama na “The Mistress”.
The fact is kapatid na Ervin, aside from Cinemalaya entries “Mga Mumunting Lihim” at “Bwakaw”, ang dalawang pelikulang una naming nabanggit ang dalawa pa sa pinakamakabuluhang pelikula na naipalabas ngayong taon.
Sobrang worth it ang pinakahuling sentimo at oras na igugugol ninyo sa loob ng sinehan sa 10th anniversary movie offering nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Kaya nga nagku-conclude na kami, na sa era ng mga kabataang artista ngayon, ang tandem nila na marahil ang may karapatang sumunod sa yapak ng mga klasikong tambalan gaya ng kina ate Vi-Boyet de Leon o ate Guy-Tirso Cruz III.
But we would like to compare theirs on the classic and very durable tandem of ate Vi and Boyet na beterano na sa mga klasikong adult drama movies na tumatalakay sa pagiging kabit o kerida.Grabe, pero swak na swak ang galing nila kapag sila talaga ang magkaeksena.
Kahit nga du’n sa eksenang nagpaka-daring na si Bea (wag kayong kukurap du’n sa scene na halos ipalamas niya ang maseselang bahagi ng kanyang katawan kay Lloydie) ay wala kang mararamdamang kabastusan.
Pati sa halikan at bed scenes nila ni Ronaldo Valdez, eh mapapanganga ka sa kapangahasan ni Bea.
At ang mga iyakan, wow! Wagas na wagas talaga.
Kahit ang mga barakong kasama naming nanood eh, hindi nahiyang umamin na naapektuhan sila habang nanonood ng pelikula.
So far, this is Bea’s best portrayal and her most daring one.
Hindi kami magugulat kung mapapansin siya ng mga award-giving bodies at malamang na parangalan sa galing niya bilang si Sari, ang kabit ni Ronaldo sa movie.
Sobrang okey din si Lloydie bilang si Eric o JD and so were Hilda Koronel as Ronaldo’s wife, Anita Linda as Bea’s lola and the rest of the minor characters.
Hindi ambisyosa ang pagkakasulat ni Vanessa Valdez dahil napaka-realistic nito.
HIndi rin nila ginawa ni direk Olive Lamasan na happy ending ang kuwento.
Mabuhay ang Star Cinema dahil muli nilang pinatunayan na sila ang numero unong film company sa bansa na makakagawa ng mga ganitong klase ng pelikula!
Cheers to more quality and exciting movies!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.