Sa ibang bansa makakatagpo ng true love | Bandera

Sa ibang bansa makakatagpo ng true love

Joseph Greenfield - August 23, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Joanne ng Poblacion, Claveria, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
May trabaho naman ako sa ngayon bilang isang lady guard kaya lang balak ko ng mag-resign at lumipat sa ibang agency o kaya’y mag-apaly sa abroad. Sa ngayon imbis na lumaki ang suweldo ko dati ay may over time ako lalong lumiit kasi nawalan ako ng over time. Kaya ang nangyayari laging kapos ang suweldo ko sa pangangailangan ng aking pamilya.Nais ko ngayong malaman kung tama ba ang desisyon kong mag-resign at sa abroad na lang ako mag-trabaho o sa ibang security agency na nag-o-offer nang mas malaking suweldo? At sa edad ko pong 36 na sa darating September 14, may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa kahit na ako ay isang single mom na may dalawang anak na parehong nasa elementary na ngayon? September 14, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Joanne Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin ang malinaw at mahabang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin tama ang iyong pasya, higit kang papalarin sa panginngibang bansa kaysa sa pagta-trabaho bilang guwardya. Kaya makatuwiran lamang na habang nagta-trabaho ka, imbis na mag-resign, ma-leave ka na lang o umabsent, habang nag-aaplay at kapag siguradong makakaalis ka na patungong ibang bansa saka ka na lang mag-resign sa iyong trabaho.
Cartomancy:
Ten of Hearts, King of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nakapangibang bansa ka mas malamang na sa ibayong dagat habang nagta-trabaho ka bilang security guard doon ka na rin makakatagpo ng true love at pang habang buhay na ka-relasyon, hatid ng isang lalaking tulad mo ring naka-uniporme ng kulay na asul.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending