NAGBARILAN ang mga alagad ng Philippine Marines at Philippine National Police (PNP) sa Zamboanga City kamakailan.
Ang dahilan? Ang kawalan ng disiplina ng PNP.
Nag-umpisa ang away nang dumaan sa checkpoint ng mga Marines ang dalawang pulis na sina PO1 Muhsin Jainul at PO3 Alkashmir Lipae.
Pinagsabihan ang dalawa ng isang opisyal ng Marines sa checkpoint na pagbutihin nila ang pagsuot ng kanilang uniporme.
Ang mga Marines kasi ay masyadong disiplinado at nakikita ito sa tamang pagsusuot nila ng uniporme. Spick-and-span sila sa kanilang uniform.
Kaya’t pinagsabihan ng mga Marines ang dalawang pulis na nakasakay sa motorsiklo na igalang nila ang kanilang uniform.
Ikinagalit ito ng mga pulis na, kung huhusgahan sa kanilang mga pangalan, ay Muslim.
Sabi siguro ng dalawang pulis, “Sino ba kayo at pinagsasabihan kami samantalang kami ay mga pulis at kayo ay mga sundalo lamang?”
Malamang ay umasta ng di mabuti ang dalawang pulis at binaril ang isa sa mga nagchi-checkpoint na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Ang napatay na Marine ay si Cpl. Jason Marqueses.
Pero napatay naman ang dalawang pulis.
Dahil sa barilan sa checkpoint ay nangangamba ang pamunuan ng PNP na baka lumaki ang hidwaan sa pagitan ng mga pulis at Marines sa Zamboanga City.
Pina-pull out ni Director General Ricardo Marquez, PNP chief, ang PNP regional public safety battalion sa Zamboanga City at itinapon sa ibang lugar.
Ang dalawang na- patay na pulis sa checkpoint ay miyembro ng regional public safety battalion.
Mabuti naman at naisipan yan ni Marquez dahil kapag lumaki ang sunog, tiyak mas mara- ming mapapatay na mga pulis kesa sa mga Marines.
Sanay kasi ang mga Marines sa labanan at mga kuyog sila; kapag kinalaban mo ang isa sa kanila ay kalaban mong lahat ang mga Marines.
At hindi aatras ang mga yan. Patay kung patay.
Samantalang ang PNP, na karamihan ay walang disiplina, ay tigas-titi lamang sa tapang; ibig sabihin, madaling lumambot at takbuhin.
Nasa lugar ang mga Marines nang sitahin nila ang dalawang pulis na siguradong lousy ang pagsusuot ng kanilang uniporme.
Nakikita kasi ang disiplina sa isang samahang unipormado sa pagdadala ng mga miyembro nito ng kanilang uniporme.
Nakikita ang kawalang-disiplina ng mga pulis sa pagsusuot nila ng uniporme.
Bibihira kang makakita na pulis na maayos magdala ng uniporme.
Walang kuwenta na nga ang uniporme ng PNP, mas lalo pang bi- nababoy ng mga miyembro nito sa kanilang pagdadala.
Mabuti pa noong ang PNP ay Philippine Constabulary o PC pa dahil ang PC ay isang military organization at nasa ila- lim pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nawalan ng disiplina ang PNP nang ito ay na- ging civilian organization at nasa ilalim ng Department of Interior and Local Government.
At dahil civilian organization na ito, nawala na ang disiplina militar.
Kapag ibinalik ang military discipline sa PNP, bihira na ang mga abusadong pulis.
Sa karanasan namin sa aking public service program na “Isumbong mo kay Tulfo,” mabibilang sa mga daliri ang mga sumbong laban sa mga sundalo o miyembro ng Armed Forces.
Kabaligtaran ito sa mga pulis. Hindi na namin mabilang ang mga sumbong laban sa mga pulis.
Wala yatang linggo na hindi naisusumbong ang mga pulis sa aking programa.
Nagpapakita lamang na walang disiplina ang PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.