Heart hiyang-hiya kay Chiz pagdating sa pagluluto | Bandera

Heart hiyang-hiya kay Chiz pagdating sa pagluluto

Ervin Santiago - August 22, 2015 - 02:00 AM

heart evangelista

Desidido nang mag-enrol sa kursong culinary arts ang misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista para raw mas marami pa siyang matutunang masasarap na recipe para sa kanyang asawa at sa kanilang magiging mga anak.

Kuwento ni Heart, nahihiya na umano siya sa kaniyang mister dahil palagi na lang carbonara, bread spread o di kaya ay steak ang kaniyang ihinahanda tuwing sila ay magba-bonding sa kanilang bahay sa Q.C..

Nagsisisi ang Kapuso actress na hindi siya nagpaturong magluto noong siya ay bagets pa, sa sikat na restaurant chain na pag-aari ng kanilang pa- milya.

Ganu’n pa man, sinabi ni Heart na nagpapaturo na siya sa kaniyang mommy ng mga “secret recipes” nito. Kamakailan lang ay nag-post si Heart sa Instagram tungkol sa paggawa niya ng polvoron na itinuro ng kaniyang ina.

Ani Heart, mas marunong pang magluto si Chiz sa kaniya lalo na ng paella na paborito ng kambal na anak ng senador. Bukod sa paella, nagluluto rin daw si Chiz kung hindi ito busy sa trabaho, ng masarap na adobo, tinola at sinigang.

Pagmamalaki pa ni Heart, mayroon pang de-uling na oven sa bahay ang kaniyang asawa kung saan nagbe-bake ang batang senador ng pizza at pandesal para sa kaniyang mga anak.

Dahil pareho silang home buddy, ang pagkain habang nanonood ng mga lumang pelikulang Pilipino ang nagsisilbi nilang bonding moment kapag siya ay walang taping at hindi busy sa trabaho ang kaniyang mister, kuwento ni Heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending