Erap nabuking habang nasa puntod ni Fpj: Si Grace ang mamanukin sa Eleksiyon 2016 | Bandera

Erap nabuking habang nasa puntod ni Fpj: Si Grace ang mamanukin sa Eleksiyon 2016

Cristy Fermin - August 22, 2015 - 02:00 AM

grace poe

Ayon sa mga kuwentong lumalabas ay hindi pa sigurado ni Pangulong-Mayor Joseph Estrada kung sino ang kanyang susuportahan sa panguluhan sa darating na halalan.

Kung sino sa pagitan nina VP Jejomar Binay at Senadora Grace Poe Llamanzares ang gusto niyang ikampanya sa pagiging pangulo ay wala pa raw siyang tiyak na maisasagot.

Kaibigang-matalik kasi ni Mayor Erap ang Hari Ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. na ama ni Senadora Grace, kaibigan niya naman at kapartidong maituturing si VP Binay, nakapagitna raw siya ngayon sa dalawang nag-uumpugang bato.

Pero nu’ng nakaraang Huwebes, sa isang misang ginanap sa harapan mismo ng puntod ng nagdiwang ng kaarawang si Da King, ay nadulas ang dila ng aktor-pulitiko.

Sa kanyang maigsing mensahe para sa pumanaw niyang bestfriend ay binati ni Mayor Erap ang lahat ng mga nakaalala sa kanyang kaibigan, pero pagdating sa pagpapakilala niya kay Senadora Poe ay binitiwan niya ang salitang, “Ang susunod na…”

Hindi niya ‘yun itinuloy, sa halip ay itinutok niya ang mikropono sa mga nandu’n, kaya ang isinagot sa kanya ng mga ito, “Ang susunod na pangulo ng ating bayan!”

Dahil du’n ay kumalat na agad ang mga ispekulasyon na ang anak ng kanyang kaibigang-matalik na si Da King ang susuportahan niya sa susunod na eleksiyon.

Hindi si VP Binay. Lalo namang hindi si DILG Secretary Mar Roxas na minamanok ng partido Liberal.
Si Senadora Grace Poe Llamanzares.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending