Susan ‘Ipinamana’ kay Coco ang pelikula ni Fpj | Bandera

Susan ‘Ipinamana’ kay Coco ang pelikula ni Fpj

Ervin Santiago - August 22, 2015 - 02:00 AM

coco martin

SIGURADONG tutukan na naman ng madlang pipol ang bagong soap opera ng Teleserye King na si Coco Martin sa ABS-CBN, ang TV remake ng classic movie ni Fernando Poe, Jr. na Ang Probinsiyano.

Napanood na namin ang pilot week nito sa ginanap na celebrity screening nu’ng Huwebes ng gabi sa Trinoma cinema 7, at hindi na naman kami binigo ni Coco sa aming expectation sa bago niyang proyekto.

As usual, star-studded ang special screening ng Ang Probinsiyano sa pangunguna ni Coco, kasama ang dalawang leading ladies niya na sina Bela Padilla at Maja Salvador na talagang nagpatalbugan sa kaseksihan with their small white dress.

Nandoon din ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces na gumaganap namang lola ni Coco sa serye. Nagpasalamat agad si Coco kay Ms. Susan dahil pumayag itong ipagkatiwala sa kanya ang classic movie ni FPJ.

Incidentally, isinabay talaga ang nasabing special celebrity screening ng Ang Probinsiyano sa 76th birthday ni FPJ kaya naman bukod kay Ms. Susan ay dumalo rin ang anak nila ni Da King na si Sen. Grace Poe.

Nandoon din ang iba pang cast ng serye na sina Arjo Atayde, Agot Isidro, Jaime Fabregas at ang mga direktor ng Ang Probinsiyano na sina Avel Sumpongco at Malu Sevilla.

Ilan sa mga kaibigan at nakatrabaho na rin noon ni Coco sa mga teleserye niya sa Dos ay nagbigay din ng suporta sa nasabing programa tulad nina Dawn Zulueta, James Reid Julia Montes, KZ Tandingan, Tonton Gutierrez, Richard Yap, Cherry Pie Picache at marami pang iba.

In fairness, hindi binago ng Dreamscape Entertainment ang pinakatema ng Ang Probinsyano na tungkol sa isang SAF member (Kardo) na naka-base sa probinsiya at napilitang magpanggap bilang kanyang kakambal para maipaghiganti ang pagkamatay ng kapatid (Ador).

Yes, dalawang Coco Martin ang mapapanood dito pero hindi na namin idedetalye kung paano ito nangyari. Pero tulad ng aming inaasahan, napakagaling ni Coco sa Ang Probinsiyano, lalo na sa mga eksena nila ni Ms. Susan.

Pero ang isa pa sa dapat n’yong abangan ay ang pagkokontrabida ni Arjo Atayde kay Coco, siguradong kamumuhian siya rito ng madlang pipol. Magsisimula na ito sa Setyembre sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending