2015 MMFF entry nina Kris at Bistek baka di na matuloy | Bandera

2015 MMFF entry nina Kris at Bistek baka di na matuloy

Alex Brosas - August 21, 2015 - 03:00 AM

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

Hindi aware si Quezon City Mayor Herbert Bautista na nakapagsalita si Kris Aquino na baka hindi na niya magawa ang movie nila dahil madalas siyang magkasakit.

“Ay, hindi ko alam ‘yan. Sana hindi. Kung hindi matutuloy, mas importante ang health before anything else. Kaya nga gagawin ‘yun ay dahil sa kanya,” say ni Mayor Herbert sa launching ng “MLQ: Ang Buhay ni Manuel Luis Quezon, Isang Dula” sa KIA Theater sa Cubao.

Meron namang communication ang dalawa, “Nasa shooting pa siya ng ‘Mistress’. ‘Yung huling usap namin ay sinabi niya na tatapusin muna niya at magko-concentrate muna siya doon. Hopefully, matuloy naman ang project kaya lang nagkakasakit siya,” sey niya.

When asked kung regular ang kanilang communication, Mayor Herbert said, “With Star Cinema, oo.”

With Kris? “Kasama ko si P-Noy kanina,” tila paiwas na sagot ng mayor ng Q.C. “Oo naman. Kailangan nagba-bonding kayo beyond movie siyempre friendship should be there,” dagdag pa niya.

Nang matanong kung magiging malamig ang Pasko niya, ito ang sagot ni Mayor Herbert, “Lagi namang malamig ang Christmas.”

Proud naman si Mayor Herbert sa contemporary play about Manuel Luis Quezon as, “itong play na ito will also refresh students about Quezon. Investment for education, very important ‘yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending