VP Binay nililigawan daw si Ate Guy para makatambal sa Eleksiyon 2016 | Bandera

VP Binay nililigawan daw si Ate Guy para makatambal sa Eleksiyon 2016

Cristy Fermin |July 18,2015
facebook
share this

VP Binay nililigawan daw si Ate Guy para makatambal sa Eleksiyon 2016

Cristy Fermin - July 18, 2015 - 02:00 AM

nora aunor

Si Nora Aunor ang lumulutang sa mga kuwento na nililigawan ngayon ng partido ni Vice-President Jejomar Binay para kumandidato sa darating na eleksiyon. Una ay bilang senadora.

Pero tumanggi raw ang Superstar. Ang sumunod na kuwentong ginawang pulutan ng mga miron ay bilang runningmate naman ni VP Binay. Pinag-iisipan kuno ‘yun ng aktres.

Hindi kami naniniwala na nagpadala ng emisaryo ang partido ng bise presidente kay Nora Aunor, kuwentong-kutsero lang ‘yun, inimbento lang sa madaling salita.

Sa dinami-dami ba naman ng mga personalidad na puwedeng makilahok sa mundo ng pulitika sa susunod na eleksiyon ay si Nora pa ang lalapitan ng partido ni VP Binay?

Pakiramdam tuloy ng mas nakararami ay ginagawa nang komedya ang pulitika, hindi na nagseseryoso ang mga pulitiko, dahil pati ba naman ang pangalan ng Superstar ay nakakaladkad na rin sa senaryo?

Hindi namin minamaliit ang kakayahang magserbisyo ni Nora Aunor, kahit naman sino’y puwedeng magpakita ng ganu’n, pero huwag sanang paniwalain ang publiko na tatanggapin ng Superstar ang pagtakbong kahawak-kamay si VP Binay.

Huwag naman. Huwag si Ate Guy. Nananahimik na ang buhay nu’ng tao, huwag na sanang bulabugin pa ng kung sinu-sino diyan, parang awa n’yo na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending