Sam: Blessing sa akin ang makatrabaho si Kuya Piolo! | Bandera

Sam: Blessing sa akin ang makatrabaho si Kuya Piolo!

Reggee Bonoan - July 06, 2015 - 02:00 AM

sam milby

SA Disyembre, 2016 pa mage-expire ang kontrata ni Sam Milby sa ABS-CBN at kadalasan dalawang buwan bago matapos ay saka nago-offer ng renewal ang network.

Kaya as of now ay nananatiling exclusive contract ang aktor sa Kapamilya network at bilang isa sa prime artist ng ABS-CBN ay kasama siya sa bagong serye ng Dreamscape Entertainment na may titulong Written In Our Stars.

Iisa ang sinasabi ng mga dumalo sa media announcement ng project na “dream cast” ito dahil pinagsama-sama sina Toni Gonzaga, Sam Milby, Jolina Magdangal at Piolo Pascual.

Light drama ang concept ng Written In Our Stars na ididirek ni Andoy Ranay at excited si Sam dahil muli niyang makakatrabaho ang babaeng una niyang naka-loveteam paglabas niya ng PBB house na si Toni, first time naman niyang makakasama si Jolina kaya looking forward siya at higit sa lahat, finally, magkakasama na rin sila ni Piolo na itinuturing niyang kuya sa showbiz.

At dahil parehong guwapo sina Piolo at Sam ay aminado naman ang huli na magkakaroon sila ng comparison, “You know, I sort of look up to my kuya, si Piolo, you know, he’s a much veteran actor, he’s been around for a long time, he has won so many awards.

“Ako, I think I’m gonna learn a lot working with him for the first time, so blessing talaga para sa akin to finally work with him,” say ni Samuel.

Samantala, aware pala si Sam na may tsismis na iiwan na raw niya ang ABS-CBN at hindi na siya masaya, pero hindi naman niya pinapansin dahil alam niyang may malaking project na ibibigay sa kanya.

Lagi kasing umaalis ng bansa si Sam at mas prayoridad niya ang Hollywood dream niya kaya paano raw siya bibigyan ng projects? Isa pa ay nawala rin siya pelikulang “Ex With Benefits” kasama si Coleen Garcia.

Sinabi naman ng aktor na may oportunidad na nagbukas para sa kanya sa ibang bansa kaya gusto niyang subukan at wala naman daw mawawala.

At saka nagpapaalam daw siya sa ABS-CBN bago siya umaalis kaya walang nakikitang dahilan si Sam para umalis o lumipat siya ng ibang TV network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oo nga, ang alam naming iiwanan ni Sam ay ang bahay niya sa Pasig City dahil for sale na ito at ang mapagbebentahan ay pambili o pagpapagawa niya ng bahay somewhere in the South dahil gusto niya ng sariwang hangin at lugar na puwede siyang mag-jogging kasama ang alaga niyang asong si Thor.

“And also, that will be my dream house,” tanda naming sabi ng aktor nu’ng makatsikahan namin dati. No girlfriend pa rin ang drama ni Samuel at naniniwala siya na kusang darating ito sa kanya kaya steady lang ang puso niya dahil may apat na taon pa siya para maghintay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending