Paulit-ulit na lang | Bandera

Paulit-ulit na lang

Bella Cariaso |July 05,2015
facebook
share this

Paulit-ulit na lang

Bella Cariaso - July 05, 2015 - 03:00 AM

MAY panibago na namang trahedya sa karagatan kung saan umabot na sa 59 ang kumpirmadong patay matapos namang lumubog ang isang bangka sa karagatan ng Ormoc.

At bagamat hindi pa lumalabas ang resulta ng imbestigasyon kaugnay ng paglubog ng M/B Kim Nirvana, hindi maipagkakaila na overloading ang naging dahilan ng trahedya.

Batay sa pinakahuling ulat ng Coast Guard, umabot na sa 59 ang kumpirmadong patay, 142 ang nailigtas o may kabuuang 201 na sakay ang bangkang na gawa lamang sa kahoy.

Ito’y sa kabila na ang kabuuang manipesto lamang ay 173 pasahero at 16 na crew o kabuuang 189.

Bukod pa rito ang umano’y sakay na mga sako ng semento at bigas na ayon sa mga pasaherong nakaligtas ay aabot sa 150 ang sako ng semento pa lamang.

Hindi na talaga natuto ang Pinoy sa mga nakaraang trahedya.

Ano ang ginagawa ng mga otoridad at bakit hindi nila na-monitor ang ginawang overloading ng bangka? Hindi ba’t dapat ay sinusuri rin ang worthiness ng mga sasakyang pandagat bago payagang makapagserbisyo?

Sa isasagawang imbestigasyon, kahit matukoy ang sanhi ng trahedya, matitiyak kaya natin na hindi na mauulit ang ganitong pangyayari kung hindi ginagawa ng mga kaukulang ahensiya ang kanilang trabaho para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Magiging ningas kugon na naman ang pamahalaan sa pagpapanagot sa mga dapat kasuhan at para matiyak na hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

Dapat ay tiyakin na makasuhan ang mga naging dahilan ng trahedya at gumawa na rin ng pangmatagalang hakbang para maiwasan ang kahalintulad na sakuna.

Nakakagulat na bagamat gawa lamang sa kahoy ang M/B Kim Nirvana, pinayagan itong magsakay ng kalakal bukod pa sa napakaraming pasahero.

Napakarami na naman ang nagbuwis ng buhay dahil sa pagiging ganid ng mga negos-yante na kumita ng sobra-sobra at sa kapabayaan at pakiki-pagsabwatan ng mga otoridad.

Hindi naman kasi mangyayari ang trahedyang ito kung ginawa lamang ng mga kaukulang ahensiya ng gobyerno ang kanilang trabaho.

Kayat hindi mo rin masisisi ang ilan nating mga kababayan na nagsusulong ng bitay bilang kaparusahan sa mga sangkot sa ganitong trahedya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana nga ay matuto na tayo at hindi na maulit ang naturang sakuna na maaari naman sanang naiwasan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending