MATAPOS ang tagumpay ng kanyang Stupid is Forever, inilunsad kahapon ni Sen. Miriam Defensor Santiago ang Stupid is Forevermore.
Inilunsad ni Santiago ang libro sa kanyang ika-70 kaarawan.
“I was pleasantly surprised with the strong public support for Stupid is Forever, so I decided to publish a second book,” sabi ni Santiago.
Umabot ng 350,000 kopya ang nabenta sa unang libro ni Santiago, ayon mismo sa National Book Store.
Nakapaloob sa 140-pahinang libro ang mga joke at mga anekdota ni Santiago. Pinakamahabang chapter sa pangalawang libro ang “Overheard at the Senate,” na kinapapalooban ng mga privilege speech at kopya ng kanyang mga press confererence.
“We should never underestimate the power of humor, especially among Filipinos, and most especially in politics. When the debates turn ugly or the legalese is too hifalutin, humor is a way for us all to see eye to eye,” ayon kay Santiago.
Nagbabala naman si Santiago sa publiko na mag-ingat sa mga pulitiko na mahilig magbiro para makaiwas sa mga seryosong mga katanungan.
“Humor has its limits; those who overly use it show that they should not be taken seriously as public servants,” sabi pa ni Santiago.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.