Pagpatay kay Benjie Paras sa serye ni Gerald ikina-shock ng manonood | Bandera

Pagpatay kay Benjie Paras sa serye ni Gerald ikina-shock ng manonood

Reggee Bonoan |May 28,2015
facebook
share this

Pagpatay kay Benjie Paras sa serye ni Gerald ikina-shock ng manonood

Reggee Bonoan - May 28, 2015 - 02:00 AM

gerald anderson

Pinatay na ang karakter ni Benjie Paras bilang si Mang Abner sa seryeng Nathaniel bagay na ikinagulat ng viewers. Ito rin ang napansin ng mga pinsan naming galing Chicago, Illinois, kaya ang taong nila, “Malapit na ba magtapos ang Nathaniel.”

Ang ganda raw ng mensahe ng serye nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Marco Masa, Isabelle Daza at Coney Reyes kaya inaabangan daw ito ng Filipino Community sa nasabing bansa.

“‘Cuz, bakit pinatay si Benjie? Okay naman ang role niya, positive siya, okay ang tandem nila ni Nathaniel,” tanong pa ng pinsan namin. Pati kami ay napaisip din kung bakit nga ba pinatay na ang karakter ni Mang Abner?

Nagtanong kami sa isang taga-Dreamscape Entertainment kahapon, at ito ang kanyang tugon, “Part talaga ng kuwento ‘yan, mahaba pa ang itatakbo ng Nathaniel.”

Ayun naman pala, mahaba pa ang kuwento ng serye kaya hindi naman big deal ang pagkawala ni Benjie. Naisip din tuloy namin na baka naapektuhan ang Nathaniel sa mga pamba-bash kay Benjie sa social media na hindi raw bagay sa kanya ang papel niyang mabait bilang tatay dahil hindi naman niya ito nagagawa sa sarili niyang mga anak dahil galit sila sa nanay nilang si Jackie Forster.

Sumagot si Benjie sa bashers at ipinagtanggol ang mga anak at nasabing walang alam ang netizens sa nangyari, pinasalamatan naman niya ang supporters ng Nathaniel.

Kaya sa viewers ng Nathaniel, huwag na kayong mag-alala dahil malayo pa ang itatakbo ng istorya nito. Balita namin marami pang malalaking artista ang maggi-guest sa serye.

At tiyak na marami pang gagawing kasamaan ang mag-inang Gerald at Coney sa Nathaniel. May pasabog na mga eksena pa si Ms. Coney sa programa na tiyak na ikagugulat ng manonood.

Naisip nga namin, buti napapayag ng Dreamscape ang aktres na gawin ang nasabing eksena. Kaya abangan n’yo ‘yan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending