Christian, 34 years old na pero wala pang 'sex-perience' | Bandera

Christian, 34 years old na pero wala pang ‘sex-perience’

Ervin Santiago |May 25,2015
facebook
share this

Christian, 34 years old na pero wala pang ‘sex-perience’

Ervin Santiago - May 25, 2015 - 02:00 AM

Christian Bautista

SUPER iwas si Christian Bautista sa isyu ng virginity. Sa presscon kasi ng bagong serye ng GMA 7 na My Mother’s Secret kung saan isa siya sa mga bdida, ay natanong ang singer-actor kung totoong hanggang ngayon ay wala pa siyang experience sa sex.

May nakaalala kasing reporter na four years ago sa isang interview ay inamin ni Christian na virgin pa siya kaya naitanong kung until now ay “no sex” pa rin ang status niya.

Natatawang sagot ng Kapuso actor-singer, “Huwag na nating pag-usapan ‘yan. Next! ‘Tapos na yang question na ‘yan. Next, next, next please.”

Pangungulit pa sa kanya ng mga reporter – kailan siya na-devirginize? “Next, next, next, next, next, next, next! Puwede ba, guys…” ang naiilang na hirit pa ni Christian na turning 34 na sa darating na Oct. 19.

Inamin naman niyang nakikipag-date siya ngayon, three years na rin kasi siyang single, “Ano lang, dating, dating. Non-exclusive. Hindi pa serious, nothing serious.

I’ve been to a blind date, I’ve been to a group date, I’ve been to ano. Wala pang naulit,” aniya. Gusto na rin talagang mag-asawa ng binata pero ayaw naman niyang ipilit kung talagang wala, “Gusto ko sana 30, e.

That’s three years late. Yung uncle ko nga sabi sa akin, ‘You have to give time for your lovelife kasi yung pinsan mo e 34, nahihirapan.’ And he’s right. So I have to give time, maybe after this soap, one month, just dating.”

Sana raw ang babaeng nakalaan sa kanya ay parang nanay niya, “Ang nanay ko e napakahusay. You know, last month she just got her PhD (Doctor of Philosophy) and she’s 60.

Alam mo yun? So yun ang model ko. Meaning ‘pag maghahanap ako ng wife-to-be e yung medyo close to perfect. Yung responsible, loves family, loves God.”

Samantala, makakatambal ni Christian sa seryeng My Mother’s Secret si Gwen Zamora at nagpapasalamat siya sa GMA dahil isinama siya sa isang serye na ibang-iba sa mga nagawa na niya noon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magugulat daw ang viewers sa pagiging palaban dito ni Christian. Magsisimula na ito ngayong araw bago mag-24 Oras kung saan ipakilala rin ang bagong tambalang aabangan ng viewers, sina Kiko Estrada at Kim Rodriguez.

Ka-join din dito sina Lotlot de Leon, Enzo Pineda, Diva Montelaba, Meryll Soriano, Jhoana Marie Tan, Shamaine Buencamino at marami pang iba, sa direksyon ni Neal del Rosario.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending