Magkakaalaman na kung sino ang mas mahusay | Bandera

Magkakaalaman na kung sino ang mas mahusay

Mike Lee |May 03,2015
facebook
share this

Magkakaalaman na kung sino ang mas mahusay

Mike Lee - May 03, 2015 - 12:00 PM

MATATAPOS ngayon ang matagal na paghihintay para malaman kung sino sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. ang mas mahusay sa ring.

Ang MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada ay tiyak na mag-uumapaw sa dami ng taong manonood bukod sa milyung-milyon boxing aficionados na bumili ng pay-per-view upang masaksihan ang pinakamalaking laban sa kapanahunang ito.

“I am excited and has no worry,” wika ni Pacquiao na hanap ang panalo na seselyo sa kanyang makulay na boxing career na kinatampukan ng pagkapanalo ng walong weight divisions.

Nagkita uli sina Pacquiao at Mayweather sa weigh-in kahapon at dinaluhan ito ng 11,500 manonood na nagbayad ng tiket na ginawa sa kauna-unahang pagkakataon sa isang weigh-in.

Walang naging problema sa dalawa kung pag-abot sa takdang timbang dahil masyado silang mababa sa 147-pound weight division.

Si Pacquiao ay pumasok sa 145 pounds habang mas mabigay ng isang pound si Mayweather (146 lbs).

“I don’t take anything away from Manny Pacquiao. He’s a solid fighter,” pahayag ng pound-for-pound king at walang talo matapos ang 47 laban na si Mayweather.

Pero kasabay nito ay ang pahayag na mananalo siya matapos ang bakbakan.
“ I believe that my skills. I’m going to be victorious. After Saturday. I’ll still be ‘TBE’ (The Best Ever),” paniniyak nito.

May taas na 5-foot-8 at reach na 72 inches si Mayweather kumpara sa 5-foot-6 at 67” reach ni Pacquiao para ideklarang liyamado ang Amerikanong boxer.

Hindi naman problema kay Pacman ang bagay na ito dahil hindi si Mayweather ang kauna-unahang boksingero na kanyang nakaharap na mas malaki sa kanya.

Bukod sa bilis sa pagsuntok at liksi sa paggalaw sa ring, isa sa matibay na kinakapitan ni Pacman ay ang pananalig sa Diyos para mapagtagumpayan ang pinakamalaking laban na haharapin sa kanyang career.

“I’ve been fighting bigger guys like Margarito and De La Hoya, it doesn’t matter to me,” sabi ni Pacquiao nang ma-interview sa stage kung saan umaalingawngaw ang pangalan niya sa arena.

Noong 2010, ginulpi ni Pacquiao ang 5-foot-11 na si Antonio Margarito sa kanilang WBC light middleweight title bout at dalawang taon bago ito ay pinasuko ni Pacquiao ang mas malaking si Oscar De La Hoya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi naman ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na pipilitin ni Pacquiao na magsagawa ng maagang atake sa katawan ni Mayweather para manghina ang mga binti ng pound-for-pound king at malimitahan ang galaw nito sa loob ng ring.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending