Jessy: Mahal na mahal ko pa rin si Jm! | Bandera

Jessy: Mahal na mahal ko pa rin si Jm!

Ervin Santiago |April 28,2015
facebook
share this

Jessy: Mahal na mahal ko pa rin si Jm!

Ervin Santiago - April 28, 2015 - 02:00 AM

jm de guzman

NAPAAMIN ni Vice Ganda sina JM de Guzman at Jessy Mendiola tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon – on national TV diretsong sinabi ng dalawa na nagkabalikan na nga sila.

Last Sunday sa episode ng Gandang Gabi Vice inamin nina JM at Jessy na noong April 1 sila opisyal na nagkabalikan. Kung hindi kami nagkakamali ito rin ‘yung panahong kumalat ang mga litrato nilang dalawa sa social media habang magkayakap.

Ikinuwento ng dalawang Kapamilya stars kung paanong bumalik ang pagmamahal nila sa isa’t isa matapos nga silang maghiwalay dalawang na ang nakararaan.

Ayon kay Jessy, naramdaman niyang mahal na mahal pa rin niya si JM nang magkita sila noong August, 2014 habang nagdya-jogging sila sa UP Diliman.

Sabi ni JM, ninerbyos daw siya nang makita ang kotse ni Jessy na naka-park sa UP campus kaya raw mabilis siyang nagtago, “Hindi ko kasi alam sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.”

Nagulat naman daw ang aktres nang batiin siya ng aktor kaya napatakbo siya sa kotse niya, “Kasi, nagulat ako. Totoo pala ‘yon, kapag nakita mo ulit yung taong nasa puso mo, akala mo sa movie lang mangyayari, pero parang nag-i-slowmo ang lahat ng nasa paligid. Totoo siya.

“Tapos sa kanya lang naka-focus lahat ng attention mo, lahat blurry, lahat slowmo. (slow motion) Tapos ‘yon na, noong kinausap niya ako, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko.

Kaya ako napatakbo sa kotse ko,” paliwanag ng tisay na aktres.Akala raw ni Jessy ay naka-move on na siya kay JM pero, “Akala ko talaga hindi na. Pero noong nakita ko siya ulit, parang bumalik lahat.”

Bigla namang humirit si JM ng, “E di wow!” Diretso namang sinabi ni JM na may niligawan siyang taga-showbiz noong panahong wala na sila ni Jessy. Pero hindi na niya ito idinetalye.

Tinanong ni Vice si Jessy kung makikipaghiwalay siya uli kay JM kung mangyayari uli ang naging rason ng paghihiwalay nila noon, “Hindi, dahil alam kong hindi na niya gagawin ulit iyon.”

Kung matatandaan, nalulong sa droga si JM at ipinasok sa rehab matapos silang maghiwalay ni Jessy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending