Horoscope, April 25, 2015 | Bandera

Horoscope, April 25, 2015

Madam Sophia |April 25,2015
facebook
share this

Horoscope, April 25, 2015

Madam Sophia - April 25, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Simpleng selebrasyon na lang ang dapat para makatipid. Alalahaning nauubos din ang pera. Sa pag-ibig, tuloy ang nakakikilig na romansa habang papainit nang papainit ang tag-araw. Mapalad ang 1, 4, 8, 22, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Riga-Pad-Me-Om.” Yellow at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Upang umunlad, laging makipagkuwentuhan sa mga mapera, sa bandang huli magiging mapera ka rin. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pakinggan – ang kasuyo mong Sagittarius. Mapalad ang 6, 9, 12, 16, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dasa-Om-Sol.” Green at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Tandaang kapag ang isang Taurus ay laging masaya, masasayang kapalaran din ang babalik sa kanya. Sa pinansyal, pangiti-ngiti lang ang dapat upang dumami pang lalo ang salapi. Sa pag-ibig, ngiti ang magsisilbing gamot sa pusong nalulungkot. Mapalad ang 1, 8, 10, 29, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yantara-Pad-Meom.” Blue at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Tama ang ginagawa mong pag-a-advice sa mga kaibigan! Ang problema, kapag kailangan mo na ng karamay, isa-isa na silang nawawala. Ganon talaga ang buhay! Sa pag-ibig, isa lang ang makakaunawa sa iyo nang lubos ang kaibigang – Aquarius. Mapalad ang 5, 17, 26, 35, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Gita-Om.” Black at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi puwede ang masyadong mabait! Kapag nagbabait-baitan, lalo ka lang aapihin ng mga mayayaman. Sa pag-ibig, pag-aralan nyo ng kasuyo mo ang inuugali ng mga mayayaman at iyon ang inyong tularan, upang yumaman din kayo. Mapalad ang 2, 16, 24, 37, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Rama-Rama.” Green at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Ngayong tapos na ang mga balakid at suliranin, dagdag na pagpapala na naman at biyaya ang matatanggap. Bago lumubog ang araw, maraming pera ang darating kasabay ng isang masayang romansa. Mapalad ang 1, 7, 16, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Gur-Deva-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Wag magyabang! Kahit magaling ka ilihim mo ito upang hindi ka kainggitan. Sa pinansyal, wag ilalabas nang ilabas ang pera, hayaan mong dumami ng dumami, at kapag maraming-marami na, saka mo sila biglain. “Aum-Garuda-Arjuna-Om”. Pink at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Mag-handa ng malamig na pagkain. Gumawa ng halo-halong kumpleto ang sangkap, may pinipig sa ibabaw. Ipatikim sa pamilya at sayong minamahal. Sa ganyang paraan, susuwertehin at mas magiging maligaya ang buong araw. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Mihi-Omne-Om.” Lilac at beige ang buneas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Maiibsan ang init ng katawan kung makiki-join sa mga kasamahang nagbabalak na mag-swimming. Piliin ang damit na sexy para marami ka na namang maakit. Sa pag-ibig habang nagsu-swmming may isang nilalang na sayo ay lihim na makakagusto. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yoan-Govinda-Dosya”. Red at white ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tagumpay ang binabalak na negosyo kung isasaisantabi ang emosyon. Isiping lagi, “pera-pera lang ang labanan!” Sa pag-ibig, kailangang makaisip ng paraan, upang maibalik ang kasuyong naligaw ng landas. Mapalad ang 3, 18, 23, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Violet at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Dalawang bagay ang hatid ng panahong ito ng Taurus sa iyong kapalaran: Isang romatikong pag-ibig at dagdag na pagkakaperahan ang sabay na darating. Mapalad ang 4, 13, 26, 35, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Yellow at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag sayangin ang araw sa pagde-day-dreaming. Imbis na maging emosyonal, mas dapat i-priority ang pagkakaperahan. Sa mga darating na ihanda ang budget upang matupad ang binabalak na paga-outing. Mapalad ang 6, 18, 15, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Gorocha-Chandaya-Om.” Blue at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Madaling kang mauto at maloko. Ang tanong , darating pa kaya ang panahong ikaw naman ang mang-uuto? Mag-ingat sa isang kaibigang Leo, pagsasamantalahan na naman niya ang iyong kabaitan. Higit kang magiging mapalad sa karelasyong isinilang sa buwan ng Mayo. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Tatra-Om.” Red at green ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending