Ara minalas kay Mayor Patrick; sinuwerte sa pera, wagi ng P1M | Bandera

Ara minalas kay Mayor Patrick; sinuwerte sa pera, wagi ng P1M

Ervin Santiago |April 19,2015
facebook
share this

Ara minalas kay Mayor Patrick; sinuwerte sa pera, wagi ng P1M

Ervin Santiago - April 19, 2015 - 12:00 AM

ara mina

Kung minalas sa lovelife si Ara Mina, aba, maswerte naman siya sa pera matapos siyang manalo ng P1 million sa ikatlong batch ng “Lucky Stars” sa Kapamilya, Deal or No Deal ng ABS-CBN.

Napaiyak ang sisteraka ni Cristine Reyes nang malamang P1 million ang laman ng pinili niyang briedcase at tanggihan ang offer ni banker na P355,000 sa episode ng nasabing game show noong Biyernes hosted by Luis Manzano.

“Actually, ilang araw na ako nagdadasal,” ani Ara habang naluluha. “Sabi ko, ‘Lord, alam kong sobrang blessed na ako pero never pa ako naglaro, na na-experience kong manalo ng P1 million. Sana pa-experience niyo po kahit isang beses lang.’ Thank you, Lord!”

Ang pagkakapanalo ni Ara ay nangyari nga matapos sumabog ang balitang hiwalay na sila ng kanyang live-in partner na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Ayon sa dating sexy actress, may pinagdaraanan lang daw sila ng kanyang dyowa at umaasa pa ring magkakabalikan sila.
Pero mismong ang kampo na raw ni Patrick ang nagsabi na wala nang balikang mangyayari dahil desidido na itong iwan si Ara, ngunit nangako naman daw ang politiko na hindi nito pababayaan ang baby nila ni Ara na si Amanda Gabrielle na bininyagan lang kamakailan.

Sey naman ni Ara, nagsilbing lucky charm niya ang kanyang anak at naniniwala siya na ito ang dahilan kung bakit siya nanalo ng isang milyon.

“Baby, I love you!” emosyonal pang sabi ni Ara. “Sabi ko, noong pinanganak ko si Mandy, siya ‘yung magiging lucky charm ko sa buong buhay ko,” dagdag pa nito.

Noong nakaraang buwan, ang komedyanteng si Bearwin Meilly ang nanalo ng P1 million mula sa second batch ng “Lucky Stars” sa Kapamilya Deal Or No Deal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending