Nagseselos sa ka-text mate ni mister (2) | Bandera

Nagseselos sa ka-text mate ni mister (2)

Joseph Greenfield |April 18,2015
facebook
share this

Nagseselos sa ka-text mate ni mister (2)

Joseph Greenfield - April 18, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Laarnnie ng Lapasan,  Cagayan de Oro City
Problema:
1. Nahuli ko pong may ka-text mate na ibang babae ang mister ko at ng pinagsabihan ko siya, sabi nya kaibigan lang daw niya yong ka-text mate nya, pero sa nabasa ko sa message nila nagsasabihin na sila ng “I love you” at muwaaaahhh. Kaya sa ngayon nagseselos ako at gusto ko silang hulihin sa akto.
2. Ano po ba ang dapat kong gawin para mahuli ko sila at may posibilidad ba na magkahiwalay kaming mag-asawa. Sa ngayon pinapangibabawan talaga ako ng selos at pag-aalala, sana matulungan nyo po akong mapanumbalik ko ang dating pagmamahal sa akin ng mister ko? September 11, 1989 ang birthday ko at May 7, 1988 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Laarnie ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Taurus naman ang mister mo ang nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo sa isat-isa. Kaya kahit ano pa ang mangyari, halimbawa ngang tuluyang naging babae ni mister ang ka-text mate nya, wala paring problema, dahil sa bandang huli ang Taurus at Virgo ay nakatakda paring habang buhay na magsasama.
Numerology:
Halos ganon din ang ipinapahiwatig ng birth date mong 11 at 7 naman ang mister mo. Ang nasabing birth date ay hindi na magkakahiwalay kailaman man, at kung sakaling mamimili na si mister sa ka text mate nya o ikaw, sa bandang huli ikaw parin ang pipiliin nya na makasama habang buhay.
Huling payo at paalala:
Laarnnie ayon sa iyong kapalaran, wala kang dapat ikatakot o ikapangamba sa kasalukuyang sitwasyon, na nakikipag-text mate ang mister mo sa isang babaing hindi mo naman kakilala, dahil sa bandang huli, lilipas din ang kalokohan nyang ito, at makikita mo, kapag hindi na siya pinansin ng nasabing babae at kusa na silang nagkahiwalay na sigurado namang mangyayari sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Hulyo, makikita mo muling magiging sweet sayo ang iyong asawa, hanggang habang buhay na uling maging buo ang sobrang happy na uli ang inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending