Kailan makakaahon sa problema sa pera? (2) | Bandera

Kailan makakaahon sa problema sa pera? (2)

Joseph Greenfield |March 29,2015
facebook
share this

Kailan makakaahon sa problema sa pera? (2)

Joseph Greenfield - March 29, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Rod ng Riverside, Matagob, Leyte
Problema:
1. Mahirap lang kami kaya sa ngayon namomroblema kami sa kung saan hahanap ng pera. Sa ngayon kasi tadtad na ako ng utang kung saan-saang ahensya at tao, kaya marami ang naghahanap sa akin. Hindi ko nga malamang kung saan ako magtatago. At bukod sa mabigat na problema sa salapi may sakit pa ako sa ngayon.
2. Minsan naiisip kong tapusin na ang aking buhay, kaya lang naawa naman ako sa aking mga anak na maiiwan ko at sa aking asawa. Sana matulungan n’yo ako kung paano ko lilitasin ang problemang ito sa pera
upang guminhawa naman ang buhay ng aming pamilya? March 13, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Rod ng
Matagob, Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign Pisces (Illustration 2.) ang nagsasabing ang dalawang tao na tutulong sa inyong pamilya na binabanggit sa Cartomancy at Palmistry ay isinilang sa zodiac sign na Scorpio at Capricorn. Kung saan, bukod sa tulong pang-pinansiyal ang nasabing dalawang tao ay papahiramin ka pa ng puhunan para sa negosyong may kaugnayan sa tindahan.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing bigla at malaking suwerte ang nakatakdang dumating sa buhay n’yo sa taong ito ng 2015 sa edad mong 36 pataas.
Luscher Color Test:
Upang tuluyang matupad ang nasabing suwerte na binangit na sa itaas, lagi kang gumamit at mag-suot ng kulay na berde at dilaw. Ang nasabing kulay ang lalo pang magpapaganda at magpapaunlad sa inyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Rod ayon sa iyong kapalaran sa taon ding ito ng 2015 sa darating na buwan ng Mayo o kaya’y Hunyo malulutas din ng kusa ang suliraning may kaugnayan pinansiyal ng inyong pamilya. Tulad ng nasabi na, dalawang mahiwagang nilalang ang darating isang lalaki na may initial na B.R. at isang babae na may initial na H.J. ang tutulong sa inyo upang makaahon na kayo sa mga pagkakautang hanggang sa tuluy-tuloy ng umunlad at umasenso ang buhay ng inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending