Dingdong sa kampo ni Karylle: ’Ipagdarasal ko na lang sila!’ | Bandera

Dingdong sa kampo ni Karylle: ’Ipagdarasal ko na lang sila!’

Ervin Santiago |March 04,2015
facebook
share this

Dingdong sa kampo ni Karylle: ’Ipagdarasal ko na lang sila!’

Ervin Santiago - March 04, 2015 - 03:00 AM

karylle
“IPAGDARASAL ko na lang sila!” Ito ang nasabi ni Dingdong Dantes tungkol sa bagong kontrobersiyang kinasasangkutan nila ni Marian Rivera matapos magpatutsada si Karylle tungkol sa kanilang nakaraan.

Sa presscon ng pinakabagong teleserye ng mister ni Marian Rivera sa GMA 7, ang faith-serye na Pari Koy, natanong ang Primetime King kung ano ang masasabi niya sa naging statement ni Karylle tungkol sa ex-boyfriend daw nito na nanloko sa kanya noon.

Kahit walang binanggit na pangalan ang host ng It’s Showtime ay marami ang naniniwala na si Dingdong ang pinatutungkulan nito sa kanyang ex-dyowa na nang-two time raw sa kanya noon.

Pero sey ni Dingdong, parang hindi naman tama na mag-react siya sa isang issue na hindi naman siya pinangalanan, “Hindi naman, wala naman sigurong sinasabing ako yun. So, I don’t wanna assume din naman.

“If I react prematurely about a statement that’s not clear, hindi rin naman maganda. Basta para sa akin, ipagdarasal ko na lang sila,” nakangiting pahayag ng aktor.

In fairness, mahigit pitong taon na ang lumipas nang mag-break sina Dingdong at Karylle (after three years  na naging madyowa) at meron na rin silang kani-kanyang pamilya kaya sabi nga ng asawa ni Marian, maging masaya na lang daw sana ang lahat para sa kanila.

Hindi naman daw apektado si Dingdong sa nasabing issue, “I’m not puzzled, I’m happy. I’m happily married. So, you know, baka hindi talaga maaalis yun. But the happiness and the love supercedes all the negativity, and that’s all that matters.”

Ngunit tumanggi na si Dingdong na sagutin ang isang tanong ng press – maayos na ba ang lahat sa pagitan nila ni Karylle pagkalipas ng ilang taon? “No, I don’t wanna answer also questions about her.

Because, again, I’ve not answered din before anything about it. Although, I spoke once in a magazine about it and, para sa akin, okey na yun, tama na yun.”

Bago nagsalita si Dong about this issue, nahingan din ng reaksiyon si Marian tungkol dito, ang naging tugon ng GMA Primetime Queen, “Bakit, si Dingdong lang ba ang ex niya? Ngayon, kung ikukumpirma niya na si Dingdong ang ex niya, doon ako magre-react.”

Samantala, for the first time ay isang pari naman ang magbibida sa isang teleserye, ang tinutukoy nga namin ay itong Pari Koy kung saan gaganap si Dingdong bilang si Fr. Kokoy Evangelista.

“I feel holy, of course,” ang chika ni Dong nang tanungin ng entertainment press kung ano ang feeling niya kapag suot niya ang sutana ng kanyang character sa Pari Koy.

Gagampanan ni Dong ang title role ng naturang faith-seryeng bubuhay ng ating pananalig sa Diyos, sa kapwa, lalung-lalo na  sa ating mga sarili.

“Character siya ng isang paring masayahin. Siya ‘yung hindi typical na pari na makikita mo. Madalas siyang nakikihalubilo sa kanyang mga kasama sa parokya,” paglalarawan niya kay Fr. Kokoy.

Dagdag pa niya, “Mahilig siya sa musika, member siya ng banda. Healthy lifestyle talaga, ina-advocate niya ang healthy lifestyle.”

“Mapalad ako na may mga kaibigan talaga akong pari kaya kahit papano nakikita ko, natatanong ko sila kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagganap ng role ng isang pari,” dugtong pa ng aktor.

Hirit pa ng Primetime King, “It’s an inspirational drama that deals with the daily issues sa buhay ng mga Pilipino. Nagkataon na ang ginagamit na kuwento ay ang kuwento ng isang pari.

Kuwento rin siya ng pamilyang Pilipino, kuwento ng lahat.” Ito’y sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes, kung saan makakasama rin sina Sunshine Dizon, Chanda Romero, Gabby Eigenmann, JC Tiuseco, Rap Fernandez, Luz Valdez, Dexter Doria, Carlo Gonzales, Hiro Peralta , Jeric Gonzales, at ang mga Kapuso child stars na sina Jillian Ward at David Remo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ito sa March 9 after  24 Oras sa GMA TeleBabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending