Kampo ni Nadine Lustre epal, binabangga si Vice Ganda | Bandera

Kampo ni Nadine Lustre epal, binabangga si Vice Ganda

Alex Brosas |December 20,2014
facebook
share this

Kampo ni Nadine Lustre epal, binabangga si Vice Ganda

Alex Brosas - December 20, 2014 - 03:00 AM

vice ganda
Umeepal itong fans ni Nadine Lustre.

We read in one website na nagrereklamo ang isang fan ng aktres dahil tila hindi pinapansin ni Vice Ganda ang idol nila when she guested sa It’s Showtime.

Napansin daw ng fan na sa Sine Mo ‘To segment ay parang hindi nag-e-exist si Nadine habang katabi lang si Vice. Ang feeling tuloy ng fan ay may favoritism ang stand-up comedian.

Hellooooo! Masyadong maarte naman itong fans na ito ni Nadine. Ano ba ang gusto nila, itratong parang reyna ang idol nila, sambahin at halikan sa paa ni Vice Ganda?

These fans of Nadine conveniently forgot that their idol is not yet a superstar. All she has become is a glorified starlet na nakikisakay lang sa popularity ng ka-love team niyang si James Reid at ng kamukha niyang si Kathryn Bernardo.

On her own, wala naman siyang personality, she has not proven herself, ‘no! Kaya kayong mga inggiterang fans ay magsitigil. ‘Wag parating ilusyon, mabuhay kayo sa reality.

Nagpasalamat pa nga si Vice kay Nadine sa kanyang Twitter account at sinabing nag-enjoy siya sa Sine Mo ‘To segment. Isn’t that too much for your idol?

Merong nagtaray sa Nadine fans and said, “Hindi naman sila close kaya hindi sya gaanong hiyang kay Nadine. Kayo mga JaDine, you’re making an issue. Ayan na naman kayo, puro nlang issue para mapag usapan yang mga idolo niyo.

“Tapos, dinadamay niyo pa ang iba. haaay naku. Ano pang bago sa inyo?  Ngayon, si Vice naman ang binabangga niyo? magpaka-humble naman kayo. Kay bago-bago ng fandom niyo tas ang yayabang niyo na.

I don’t hate Jadine, I just hate yung mga OA nilang fans.  “Do not say na favoritism or hindi sila pinapahalagahan ng ABS-CBN because binibigyan naman sila ng project.

If you want teleserye for them, you have to wait. Lahat naman ng artists nila nagkakaroon ng chance, hwag kayong magmadali at mag asta na super gagaling ng idolo nyo kasi kung tutuusin ang dami pang ms magaling sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

And of course alagang-alaga sila ng VIVA dahil iilan lng silang sikat dyan,” litanya ng isang nag-comment. Oo nga naman. Itong mga fans na ito ang nagbibigay ng ilusyon na super sikat ang idol nila, kahit hindi naman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending