Dating asawa ni Aiko inaresto ng mga pulis | Bandera

Dating asawa ni Aiko inaresto ng mga pulis

Ervin Santiago |December 20,2014
facebook
share this

Dating asawa ni Aiko inaresto ng mga pulis

Ervin Santiago - December 20, 2014 - 03:00 AM

martin jickain
Dinampot ng mga pulis ang dating asawa ni Aiko Melendez na si Martin Jickain matapos diumanong manutok ng baril sa isang lugar sa Pasay City Biyernes nang hatingggabi.

Nabatid sa ulat, naganap ang insidente sa kanto ng Roxas Boulevard at Santa Monica Service Road, dakong 12:30 ng madaling araw. Nakipagsagutan daw diumano si Martin at ang kasama nito sa isang grupo malapit sa isang restaurant.

Bukod dito, isang pulis din daw ang tinutukan ni Martin ng baril kaya agad siyang inaresto ng mga otoridad. Nakumpiska sa ex-husband ni Aiko ang isang baril at dalawang magazines, 12 bala, at lisensiya ng kanyang baril.

Si Martin Jickain ay isang commercial model at executive chef sa isang restaurant. Ikinasal sila ni Aiko noong 2006 at nagkaroon ng isang anak, pero naghiwalay din matapos ang ilang buwan hanggang sa ma-annul ang kanilang kasal.

Wala pang iniisyung official statement ang kampo ni Martin hinggil sa nasabing report.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending