Pacman waging-wagi, sinuportahan nina Rambo at Terminator | Bandera

Pacman waging-wagi, sinuportahan nina Rambo at Terminator

Ervin Santiago |November 24,2014
facebook
share this

Pacman waging-wagi, sinuportahan nina Rambo at Terminator

Ervin Santiago - November 24, 2014 - 03:00 AM

manny pacman
Matindi pa rin ang karisma ni Manny Pacquiao. Hindi lang mga Pinoy ang sumuporta sa kanya sa nakaraang laban nila ni Chris Algieri kahapon sa Macau, kundi pati na rin ang mga bigating Hollywood stars.

Sa kanyang Instagram account ipinarating ng Brazilian Victoria’s Secret model na si Adriana Lima ang kanyang suporta kay Pacman. Naging magkaibigan ang dalaw nang bisitahin ni  Pacquiao ang seksing modelo habang nagwo-workout sa isang boxing gym.

Nauna nang ibinandera ni Adriana na super fan siya ni Manny.  Isa pa sa nagpakita ng support sa Pambansang Kamao ang Lakers star player na si Jeremy Lin na ginaya pa ang Footlocker ad ni Manny sa kanyang greeting.

Bukod dito, ilang minuto bago magsimula ang laban kahapon ay sinadya pa ng Hollywood superstars na sina Sylvester Stallone at Arnold Schwarzenneger sa kanyang dug out si Pacman para iparating ang kanilang suporta sa People’s Champ na muling pinatunayan ang kanyang bangis sa ring sa laban kay Algieri.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending