Sam ka-level na ang mga sikat na Asian, Hollywood male stars
Walang kamalay-malay si Sam Milby na kilala na siya sa ibang bansa lalo na sa mga pelikulang nagawa niya kasama sina Toni Gonzaga at Bea Alonzo dahil nakasama ang pangalan niya sa pang-apat na puwesto sa 22 Asian Actors Who Deserve To Be Romantic Leading Men sa BuzzFeed website na nai-post noong Okt. 15.
Si Sam lang ang aktor sa Pilipinas ang napasama sa nasabing listahan ng BuzzFeed, ang internet news media company sa New York City, USA.
Ilan sa mga nakasama ni Sam sa listahan ay sina, Daniel Henney ng mga pelikulang “Seducing Mr. Perfect” at “Shanghai Calling”, at TV show na My Lovely Sam Soon at The Fugitive: Plan B; Sendhil Ramamurthy, mula sa TV series na Heroes, Covert Affairs, Beauty & The Beast; Daniel Dae Kim ng CSI, NCIS, at ER, Beverly Hills 90210 at Lost; James Kyson at Godfrey Gao, mga Taiwanese actor; Takeshi Kaneshiro, na nakilala sa pelikulang “House of Flying Daggers” at tinawag na Johnny Depp ng Asia; Raza Jaffrey ng mga pelikulang “Sex and The City 2” at “Smash”.
Nasa list din sina George Takei, veteran Hollywood actor na napanood sa TV series na Modern Family; Steven Yeun na nakilala bilang si Glenn Rhee sa Walking Dead; Dev Patel sumikat sa hit movie na “Slumdog Millionaire” at “Newsroom”; Ken Watanabe mula sa “Letters From Iwo Jima”, “The Last Samurai”, “Batman Begins”, “Inception” at “Godzilla”; at Harry Shum, Jr., bilang si Mike Chang ng Glee at mga pelikulang “Stomp The Yard”, “You Got Served”, “Step Up 2” at “Step Up 3D”.
Masaya naman ang manager ni Sam na si Erickson Raymundo tungkol dito kaya’t nabuhay na naman daw sa alaga niya ang nabinbin nitong planong mag-audition sa Hollywood.
Sina Erickson at Erik Santos lang ang bumalik ng Pilipinas pagkatapos ng ASAP Live In LA dahil umuwi ng Ohio si Sam para sa tatlong linggong bakasyon kasama ang pamilya at para na rin sa kaarawan ng kanyang ama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.