‘Easy Rider’ bike isusubasta | Bandera

‘Easy Rider’ bike isusubasta

Frederick Nasiad |September 24,2014
facebook
share this

‘Easy Rider’ bike isusubasta

Frederick Nasiad - September 24, 2014 - 03:00 AM

motor for site
SA mga taong ipinanganak noong 1960s ay malamang na napanood nila ang pelikulang “Easy Rider.” Bida sa pelikulang ito sina Peter Fonda, Jack Nicholson at Dennis Hopper pero sumikat ito dahil sa tampok na Harley-Davidson motorcycle na sumikat at naging simbolo noong dekada 1960 at 1970.

Tinalakay sa kuwento ang mga social issues ng panahong iyon tulad ng drug use, freedom of speech at ang generasyon ng mga “hippies.” Kinukunsidera rin ang pelikulang ito bilang isa sa mga best movies na ginawa sa Amerika.

Ayon sa ulat, ang motorsiklo na ginamit ni  Peter Fonda sa  “Easy Rider” ay isusubasta sa Oktubre 18. Ayon sa auction house na Profiles in History, inaasahan nilang aabot sa $1 hanggang P1.2 milyon ang kikitain ng naturang Harley-Davidson sa auction na gaganapin  sa  Calabasas, California.

Matapos ang shooting ng “Easy Rider” ay ibinigay ni Dennis Hopper, na siya ring direktor ng pelikula, kay Dan Haggerty  ang motorsiklo. Ang kasalukuyang nagmamay-ari sa naturang bike ay si Michael Eisenberg na naging kasosyo sa isang motorcycle-themed restaurant business sina Peter Fonda at Dennis Hopper.

Nabili ni Eisenberg ang “Easy Rider” bike kay Dan Haggerty noong isang taon at ngayon ay nagdesisyon siyang isubasta ito.
Apat na motorsiklo ang ginawa ng Harley-Davidson para sa pelikulang ito at ang tatlo ay ninakaw bago pa man ipalabas sa sinehan ang “Easy Rider.”

“Three of the motorcycles were stolen, even before the movie was released, which was a sign of the overwhelming power that these motorcycles had,” sabi ni Haggerty. “They were never recovered.”

MOTORISTA

Walang tambutso
ANG mga dabarkads ko na may may motorsiklo, tinatanggal nila ang mga tambutso nito at yung iba ay  pinapalitan nila ng mga mas maliliit para daw maging mas maingay ang tunog ng motor.

Tanong ko lang kung puwede ko bang gawin ito sa motor ko? Baka kasi bawal ito sa batas. Sobra kasi ang lakas ng ingay nito pero “cool.” …9201

BANDERA
IPINAGBABAWAL na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagmo-modify ng factory mufflers. Inilagay ang mga mufflers sa mga motor para mabawasan ang ingay na dulot ng internal combustion engine.

Ayon sa kalatas ng LTO, maaaring mabigyan ng violation ticket  ang mga may-ari o rider ng motor na walang tambutso o defective ang muffler.

Ikinukunsidera na   defective ang muffler kung ito ay kulang sa components tulad ng silencing asbestos at inner tube.  Tama ka sa iyong sinabi na “cool” ang tunog ng motor mo kapag walang muffler pero kung ayaw mong mahuli at magmulta, huwag mo nang alisin ang tambutso ng iyong motor.

Pero kung ayaw mo naman ang porma o estilo ng factory muffler ng iyong motor ay maaari mo naman itong palitan, huwag lang alisin ang mga parte ng tambutso na nagpapabawas ng ingay.

MAY katanungan ka ba tungkol sa iyong motor?   I-text sa 0917-8446769 o i-email sa [email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending